[MPG2>45- Francisco]

4.1K 75 4
                                    





Cisco:

Wala masaya lahat eeh kaya yan tuloy nagpaparty party ang lahat sa bar ni John.

Sila Uno at Eri mukhang malapit na ang kasalan.

Para sa akin ayos na.

Aamininn kong medyo nasaktan ako pero masaya na din ako para sa kanila.

Ang importante nagmamahalan yang dalawang yan.

Haaay ano na nga ba ang susunod para sa akin?

"Oy John kapatid mo!!!" napahinto ako sa pag-iisip nang sumigaw si Caleb

Napatingin ako sa kung nasaan si Yumi.

Nagwawala na pala sa dance floor =____=

Itong babaeng to mukhang mahinhin pero kapag gusto yung kanta kung makasayaw naman wagas.

Hindi ko maiwasang hindi titigan si Yumi.

Sobrang nag-eenjoy siya sa pagsasayaw.

Pero nagulat ako nang bigla siyang mapatingin sa akin at ngumiti.

Kamote! Nahuli akong nakatingin sa kanya kaya agad akong umiwas ng tingin.

Bigla naman akong inakbayan ni John na lasing na lasing na.

Hindi parin sila okay ni Kimmy kaya ayan nagpapakalunod sa alak.

"anong meron senyo ha? Anong meron senyo ng kapatid ko??"

"lasing kana John"

"wag mong gamitin yan para maka move on!! Humanda ka sakin!!! Ako macho!!!"

Hahaha ano daw? Macho?

"John lasing kana"

"hindi ako lasing. Umamin ka ano ba sayo kapatid ko?"

Naptingin muli ako kay Yumi.

Ano nga ba si Yumi sa akin?

"sumagot ka Cisco!!"

"John alam mo namang may laman ang puso ko simula pa sa pagkabata. Pero dahil iba mahal niya at mahal na mahal niya yung taong yun eh syempre naman hindi ko na sila guguluhin at hahayaan ko silang maging masaya. Si Yumi naman ang dumating upang damayan ako sa mga oras na madilim ang mundo ko. Siya ang andyan para sa akin nung kailangan ko ng makakasama."

"pechay naman pre tanong ko lang ano ba siya sayo? Mahal mo ba o si Eri parin?"

"si Yumi ay isang kaibigan. Hindi ko masasabing mahal ko siya dahil mahal ko pa din si Eri.."

Napatigil ako nang may marinig akong baso na nabasag sa may likuran ko.

Nakatayo pala doon si Yumi at nakikinig sa amin.

Nagsimulang tumulo ang mga luha sa mata niya.

"Yumi.."

Bigla siyang tumalikod at tumakbo palayo.

Agad ko siyang sinundan.

"Yumi sandali!"

Hinabol ko siya hanggang sa labas ng bar.

"Yumi makinig ka muna!! Yumi!!"

Biglang pumasok sa isipan ko ang isang alaala.

Pakiramdam ko kasi ganito din yung mga oras na yun.

Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon