[MPG2>38-Panaginip]

5.1K 73 5
                                    

Uno:

"sigurado ka ba dyan sa desisyon mo bro?" Yano

"oo nga. Malakas yung dalawang yun...sayang naman" Cisco

"sino ba nagsabing tanggal na sila?"

Napatingin silang lahat sa akin.

Hindi ko lang sila pinansin at yumuko na ako sa billiard table para tumira.

Pasok yung isa.

"ang sabi ko sa kanila hanggat hindi nila maayos yan...mga bingi!"

Inubos ko na lahat ng bola...

"bestfriends yang dalawang yan simula pa noon...mababaw na rason kung masisira sila ng ganyan

ganyan lang...sila yung mga unang nagbibigayan at nagpapalaya para hindi sila magulo pero iba

ngayon..kailangan nilang mag-usap..kailangan nilang magising at ayusin to.."

Wala paring nagsalita sa kanila..

"tapos na ang laro panalo ako...tig lilimang libo niyo.."

"ay nak ng!!! nautakan tayo!!!" John

"lagi ka namang panalo sa billiard Uno!" Mino

"kelan ba naman natalo yan?" Benj

"magsibayad na lang kayo...dali!"

"ano bang gagawin mo sa pera ha?" John

"namumulubi ka na?" Cisco

"wala.. may bibilhin lang.."

=========================


Chuck:

Nadetect ng sensor ng gate namin yung plate number ng motor ko kaya agad itong bumukas at

nagsarang muli nung nakapasok na ako.

Ipinarada ko ito sa tapat ng bahay.

Pag-apak ko sa unang baitang ng hagdan papunta sa pintuan ay agad nanamang may sensor kung saan

dinetect naman kung nagmamatch ang mata ko sa database.

Bumukas naman ngayon yung pintuan ng bahay.

Automatic lahat.

Kahit pagkuha mo ng tubig sa ref ay automatic din.

Kumpas lang ng kamay ang kailangan para ilipat ng channel yung tv at kahit mga music player dito sa bahay.

Dahil nga automatic ay iilan lamang ang mga kasama namin sa bahay.

Kilala ang pamilya ko sa pagdevelop ng mga makabagong appliances at gadgets.

Sila mommy at daddy parehong mga kilalang tao sa mundo ng business at politics.

Yung kuya ko ay isang doctor yung sumunod sa kanya ay lawyer yung ate ko naman ay sikat ding

negosyante pati yung kambal kong kapatid na mas bata sa akin ay ipinanganak na henyo. Tumutulong na

sila sa negosyo..

Ako?

Eto..

Wala lang..

Hangin ng pamilya.

Kulelat..

Walang kwenta!

Tsk..

Si Pamela  na lang ang meron ako na maipagmamalaki ko..

Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon