[MPG2>55 Pagbagsak ng gagamba part 1]

1.1K 39 3
                                    



[MPG2>55 Pagbagsak ng gagamba part 1]

John:


May narinig na lang kami na hampas at maybumagsak.



"ano John naparinig mo ba lahat kay Miksha? Huwag kang mag-alala, pati si Cisco at ang iba panggagamba ay naririnig lahat ng ito" sabi ni Zain mula sa kabilang linya.



"tsk. Tsk. Ito na ang araw na pinakahihintay ko...John! Alam mo kung nasaan ako. Pumunta kana dito at isama mo ang babaeng yan! Subukan niyong magsama ng iba mawawala ng parang bula si Uno,,,"



Naputol na ang linya.

"John!Sabihin mo sakin na hindi totoo ang lahat ng ito! Sabhin mo sa akin na nagsisinungaling lang si Zain! John please!!"sigaw ni Eri habang lumuluha



Hindi ako makasagot.



Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.



"Kailangan tayo ni Uno ngayon." yun na lang ang nasabi ko.



Agad akong tumayo at lumabas ng bahay nila Uno.



Agad namang sumunod si Eri sa likuran ko at agad kaming sumakay ng sasakyan.



Kahit kelan tuso katalaga Zain.



============================

Uno:



Pagdilat ng mga mata ko ay nakatali na ang mga paa at kamay ko sa magkabilaang poste.



"ano ba talaga ang kailangan mo Zain?"



"kailangan ko?"patawang sabi nya



"siraulo ka talaga Uno! Syempre andito ako para maningil. Wala nang libre ngayon Uno!"



"Hayop katalaga!!"



Gusto ko siyang suntukin pero hindi akomakagalaw.



Kadena ang ginamit niya sa mga paa atkamay ko.



Ilang minuto pa ang lumipas at isa isanang nagsidatingan ang mga gagamba pero lahat sila nakatali ang mga kamay at may kanya kanyang nakabantay sa kanila.



Tumawa ng malakas si Zain at lumapit kayCisco.


Inakbayan niya ito.



"Anong masasabi mo Cisco sa taong sumira ng buhay mo?"




Hindi nagsalita si Cisco tumingin lang siya sa akin.



Magsasalita pa dapat si Zain pero dumating na sila John at si Eri.



Magang maga na ang mga mata ni Eri.



Wala paring tigil ang pag-iyak niya.



Gusto ko siyang lapitan pero ni hindi ko siya matignan.



Tinignan ko silang lahat.



Lahat sila nasa peligro ngayon nang dahil sa kalokohan ko.



Iisa lang naman ang layunin ko kung bakit nabuo ang Golden Spider



Yun ay ang protektahan lahat ng taong mahal ko.



Pero dahil pala dito..



ito pa ang magiging rason kung bakit mas lalo silang nasaktan.



Tama nga ata si Zain.




Ito na ang araw na babagsak ang gagamba.

Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon