{Teaser}

32.5K 292 15
                                    

Click video on the side and listen to music as you read this--

[TEASER}


"UNO!"

Napadilat ang aking mga mata nang maramdaman ko ang malamig na hangin na dumampi sa aking pisngi.

Napabangon ako at tumingin sa paligid.

Napangiti ako nang marealize kong nag-iisa nga pala ako sa isla na ito.

Pinagmasdan ko ang palubog na araw.

Sobrang ganda ng kulay ng tubig ng dagat.

Napakasarap ng hangin. Pakiramdam ko kinakausap ako nito at tinatawag ang pangalan ko.

Pilit kong pinipigil ang mga luha ko sa pagpatak pero may isa parin na tumulo.

Pinagmasdan ko ito hanggang sa pumatak ito sa lupa.

Napangiti na lang ako nang maramdaman ko nanaman ang hangin na para bang binabalot ako at niyayakap ng mahigpit.

Naisip ko na baka ikaw nga yan at pilit mo nanaman akong pinapasaya kahit mag-isa lang ako.

Tumayo ako at tumitig muli sa araw.

Sa mga oras na ito kaya nakatingin ka sa akin?

Nakikita mo ba ako ngayon?

Asan ka na ba?

Hinakbang ko ang aking mga paa hanggang sa maramdaman ko na ang alon ng dagat.

Napakalamig ng tubig.

 

"mahal kita Uno!!!"

Sumagi nanaman sa isipan ko ang huling mga salita niya nang araw na yun.

Bakit ba wala akong nagawa nang mga oras na yun??

Bakit??

"ERI!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Wala sa sariling sigaw ko.

"ERI!!! NARIRINIG MO BA AKO??? ERI!!!!"

Hindi ko namalayan na dinadala na pala ako ng mga paa ko sa kalagitnaan ng dagat.

Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa buong katawan ko na ang nasa ilalim ng tubig.

Mahal din  kita Eri..mahal na mahal..

=================================

Maraming maraming salamat po sa suporta niyo sa Mr. Perfect Gangster.

Sana suportahan niyo din po itong katuloy niya.

Salamat po ng husto.

Para sa inyo po ito.

Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon