[MPG2>6-Reputasyon]

7K 95 11
                                    


Si Eri:


sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Ewan ko ba pero hindi ako mapakali.

Hindi ko alam kung ano bang makikita ko dito.

Nasa labas kami ng isang lumang gusali.

Sabi kasi ni Hena pupuntahan namin sila Uno.

Pero dito niya naman ako dinala sa isang mukhang haunted building.

Wala man lang katao tao sa paligid.

Sigurado  ba siyang andito sila?

"Hena, asan ba tayo?"

"humawak ka lang sa braso ko Eri."

Humarap siya sa akin at nilagay nga ang kamay ko sa braso niya.

"ready ka na Eri?"

Mas lalo akong kinakabahan sa mga tanong ni Hena.

"hmm.oo"

Umakyat kami sa hagdan.

Pagdating namin sa third floor, may mga naririnig na akong boses.

Tama nga, boses yun ng mga kaibigan ni Uno.

Pagtapak ko palang sa huling hagdan ay biglang may tumambad na mukha sa may

paanan ko.

Duguan na ang ulo niya.

Mukhang inihagis siya at eksaktong lumanding sa paanan ko.

Nagtama ang mga mata namin ni Uno.

Pareho kaming nagulat na magkaharap kami ngayon.

Ganito ba talaga sila?

"asan si Caleb?"

Panandalian akong nadistract nang magsalita si Hena.

=======================


Si Caleb:

"ito na yung coffee mo Jana."

"thanks Caleb."

Nasa may coffee shop kami ngayon.

Wala namang nagsasalita sa aming dalawa.

Basta nakaupo lang kami at umiinom ng kape.

Haaayyy..bakit ko ba kasi niyaya magkape to.

"uhm...so..how are you?"

"okay naman. Ikaw?"

"okay lang din."

"..."

".."

Saya lang.

"balita ko may steady girlfriend ka na daw?"

"aahh..oo. si Hena."

"good for you."

"ikaw? May boyrfriend ka na?"

"hmm..well..I guess I never really have moved on with my first love kaya hanggang

ngayon wala pa."

Tumayo na siya.

"sige Caleb, una na ako ha. Ba bye."

Agad na siyang umalis.

First love?

Pagkakatanda ko, ako ang unang naging boyfriend niya.

Ako din ba ang first love na yun?

Pakshet!

Ano ba mga iniisip ko!

Tsk. Tuknene lang talaga!

=====================


Si Eri:

hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.

Si Uno, nakaupo siya sa limang lalakeng magkapatong patong.

Halatang namimilipit sila sa sakit pero si Uno walang pakialam sa kanila.

"Eri?"

"..." sinubukan kong ibuka ang labi ko pero kinapos ako ng salita.

Ano ba ang dapat kong sabihin, dapat ba akong magalit sa mga nakikita ko ngayon sa

harapan ko?

"Eri? Okay ka lang?" Hena

Masayang masaya ang barkada ni Uno habang binubugbog ang ilang mga kalalakihan.

Si Yano, si Chuck, lahat sila..kahit si Franny (Cisco).

Nagulat ako nang makita ko na lang si Uno sa harap ko.

"anong ginagawa mo dito Eri?"

WAPAK!

Nasamapal ko ng malakas si Uno.

"Yah!!!!" Uno

"ganito ka ba talaga ka gago ha uno?"

"Eri, dapat maintindhan mo na hindi santo ang pinili mong mahalin. Ito ako!"

"pero Uno.." hindi ko maatim na makita ang mga kawawang tao na walang laban sa

kanila.

"ala..."

"hindi mo naman kailangang gawin to Uno. Madami kang puedeng gawin maliban sa

pakikipaglaban."

"ito ang buhay ko Eri, ito ang pagkatao ko.."

"Uno..."

"may reputasyon akong pinapahalagahan Eri."

"reputasyon? Mas mahalaga pa yan sayo kesa sa buhay ng mga taong to?"

"tss.."

Magsaalita sana ako pero bigla na lang tumakbo si Uno at sinipa sa tiyan yung lalakeng

naihagis sa may paanan ko kanina.

"tatakas ka pang gago ka!" paulit ulit niya itong sinipa.

Ganito ba talaga si Uno?

Walang..puso?

"TAMA NA!!!!!!!"

Napatingin silang lahat sa akin.

"Tama na Uno!!!!"

Lumapit ako dun sa lalakeng sinipa sipa niya.

Buti na lang at huminto si Uno sa pagsipa dahil baka nasipa niya na ang mukha ko.

"tumabi ka dyan Eri.!!"

"tama na Uno!!! Napakawalang puso mo!!"

Bahagyang ngumiti si Uno.

"ito ako Eri..."

"sige, magsama na lang kayo ng reputasyon mo!!"

Agad akong tumakbo palabas.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa mapagod ang mga paa ko.

Hindi ko kayang makita ang lahat ng iyon.

Napakabrutal at bayolente ni Uno.

Ganito ba talaga siya?

Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko

Bakit kailangan mo pang maging isang gangster Uno?

Bakit?

Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon