[MPG2>33-MinoxKitkat]

5.7K 87 12
                                    

Mino:

"KITKAT!!"

Napatingin ang lahat ng tao sa akin..

"Hi Mino! Baby, diba ito yung muchacha niyo sa bahay? Na sa sobrang bait ng pamilya mo ay pinapaaral niyo siya dito? Tss...how dare her! Kausapin mo nga to!!!" Gizelle

Lumapit ako sa kanila..

Paglapit ko ay agad na nilagay ni Gizelle ang mga kamay niya sa leeg ko at  hinalikan ako..

Biglang tumayo si Kitkat at tumakbo palabas ng cafeteria..

Agad kong tinulak palayo si Gizelle..

"Don't tell me you're going to comfort her"

"pake mo?"

Hindi ko na siya tinignan ulit.

Agad kong hinabol si Kitkat pero hindi ko na siya nakita..

Saan kaya siya nagpunta?

================


Heidi/Kitkat:

"mama andito na po ako.."

Pumasok ako sa kwarto naming mga kasambahay.

"oh ang aga mo..anong nanyare sayo anak? Bakit ang lagkit mo?"

"uhm..wala po mama. Nabitawan ko lang po yung iniinom ko kanina"

"anak..umamin ka. May nang-away nanamn ba sayo?"

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko..

"ang anak ko.."

Niyakap ako ni mama..

"ma, bakit po ganun ang mayayaman? Lagi na lang po nilang inaapi ang tulad natin"

"huwag mong lahatin anak. Si young master Mino hindi naman ganyan. Mabait na bata yun kahit medyo pasaway. Ang mga magulang niya mabait din"

"andun po siya kanina.."

"oh anong nanyare?"

"kasintahan niya po yung umaway sa akin"

"nako ang anak ko..umiiyak ka ba dahil inaway ka o dahil may kasintahan si young master?"

"maliligo na lang po muna ako"

Humiwalay ako kay mama at pumasok na sa banyo.

Paulit ulit sa utak ko ang nakita ko kanina..

Yung babaeng yun..

Hinalikan siya..

Naghalikan sila..

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis agad ako.

Wala pa namang trabaho kaya umupo muna ako sa may hagdanan sa entrance.

Napansin kong nagkakagulo lahat ng tao.

Todo ayos at linis sila sa bahay.

Nakita ko yung anak nung isa sa driver ng mga amo ko.

"ate Sally ano pong meron?"

"nako Heidi, dadating ngayon ang mga magulang ni young master. Kasama daw nila yung pamilya nung babaeng papakasalan ni young master Mino. Kaya nagpapahanda sila..o iwan na kita Heidi aah may gagawin pa ako.."

"kasal?"

Tama yung narinig ko diba?

Kasal daw?

Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon