[MPG2>92 - Pinaka Final Chapter]

638 25 3
                                    

Si Uno:

Napakalamig.

Ang bigat ng pakiramdam ng ulo ko.

Ang dami kong naririnig na tunog ng makina.

Pagmulat ko ng mga mata ko ay agad kong naisip si Eri.

Sinubungan kong bumangon pero hindi ko nagawa.

Narinig ko na lang na may sumigaw na babae.

"Doc! Doc! Gising na po ang pasyente."

Maya maya ay may mga lumapit sa akin.

"Asan ako?"

"Nasa hospital ka. Sa ICU in particular. You've been a sleep for 3 days."

Sinubukan ko uling bumangon pero nakaramdam ako ng sakit.

"Wag ka munang bumangon. You have fractured.."

"Kailangan kong makita si Eri."

"Mahina pa ang katawan mo."

"Si Eri! Kailangan kong makita si Eri."

Sinubukan ko uling bumangon pero hindi ko kaya ang sakit hanggang sa nawalan muli ako ng malay.

——————

.....

.....

.....

.....

Pagmulat ko ng mga mata ko ay nasa ibang kwarto na ako.

Ramdam kong may nakahawak sa kamay ko.

Si mommy.

Pinisil ko ang kamay niya.

Nagising siya.

"Uno! Salamat at gising kana. May masakit ba sayo?"

"Wala. Si Eri. Asan si Eri."

Tinignan lang ako ni mommy.

"Nasa labas sila John sasabihin ko lang na gising kana."

Umalis siya at binuksan ang pinto.

Nagmamadaling pumasok sila John.

"Bossing!!!!" Umiiyak na bati ni Caleb.

Agad siyang yumakap sakin.

"Aannoo baa!" Sigaw ni Yuno

Hinila nila si Caleb.

Natawa na lang ako.

"Asan si Eri?" Tanong ko.

Tumingin muna si John kay mommy bago sumagot.

"Okay lang siya Uno. Nadischarge na siya."

"Pahiram ng cellphone. Kailangan ko siyang makausap."

Tumingin ulit si John kay mommy.

Hindi ko maintindihan.

"Ok lang siya Uno. Magpagaling ka muna."

"Pero kailangan kong makausap si Eri."

"Tama na Uno!" Nabigla kaming lahat nang sumigaw si mommy.

"Alam kong mahalaga sayo si Eri pero kailangan alagaan mo ang sarili mo! Hindi ko na hahayaan na may mangyari oa sayo! Kalimutan mo na si Eri!!!"

"Pero mom.."

"Mamili ka Uno. I'll strip you of off everything from our family kapag pinagpatuloy mo ang kabaliwan mong yan o kakalimutan mo si Eri and you'll have everything."

Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon