Epilogue

438 26 14
                                    

Epilogue

(A/N: Maraming maraming salamat po sa lahat ng nagbasa po nitong book 2 at hanggang dito ay nakaabot kayo! HAHAHAHAHAHA! Pasensya napo sa isang buwan mahigit na hindi ko po pag-uupdate hehehehehe. About po pala doon sa book 1 ay, nagsign po kasi ako ng contract po sa DREAME app po kaya po hanggang chapter 5 lang po siya sa wattpad hehehehehe. Pero sana nga po maibalik ko po ulit siya dito para mabasa niyo po ng walang coins hehehehehe. Sana po ay abangan niyo rin po ang collab po namin ni _gabriyel doon po sa collab acount po namin na gab_syu HAHAHAAHAHAHAHA! Maraming maraming salamat po ulit! Enjoy the last chapter~ ;>>>>)

Dwizzi's POV

Puno ako ng galit sa katawan na para bang tinraydor ako ng lahat dahil nawala sa piling ko ang kaligayahan ko.

Naiiyak na ako sa loob loob ko ngunit pinilit kong lakasan ang loob ko't manahimik nalang muna... dahil hindi ko na ata mapipigilan pa ang sarili ko sa magagawa ko kung magsasalita pa ako.

Panay ang ngitngit ng ngipin ko dahil sa sobrang inis.

'Paanong nangyaring natupad ang mga plano nila at nakuha pa nila 'yung pinakamamahal kong dalawang babae!'

"Damn..."

Napasabunot na ako sa buhok dahil hindi ko na talaga alam ang susunod kong gagawin.

"D-dre, kumain ka muna..." alok sa akin ni Evan ng pagkain.

Hindi ko siya pinansin at napabuntong hininga nalang habang nag aasikaso ng gagamitin sa pagpasok namin sa org.

"Tatlong araw ka ng hindi kumakain ng ayos..." aniya pa pero hindi ko na naman ulit siya pinansin.

Nandito na kaming lahat ngayon sa mansion dahil sa bombang totoo ngang nandoon at sumabog na ang bahay namin.

Laking pasasalamat namin na nakaligtas kaming lahat at walang tinamong sugat.

Matapos kasing sabihin iyon ni Alice ay nagmadali na agad kami sa paglalabas ng mga gamit at tatlong araw na nga ang nakakalipas ay hindi pa rin ako tumitino sa huwisyo.

Ni hindi na nga ako pumapasok...

Napabuntong hininga na naman ako dahil sa sobrang miss na miss ko na si... Joy.

'My happiness...'

Kinuha na nga nila si kupali, pati ba naman si Mom... paano ako makakakilos niyan ng maayos kung hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung maayos ba ang lagay nila?

"Kasalanan ko talagang lahat 'to..." namamaos na usap ko dahil hirap na hirap na talaga ako.

Kaunti nalang talaga... sasabog na 'ko sa iyak...

"Wala kang kasalanan, tanga," ani Evan na talagang hindi ako iniiwan sa tabi.

"Kung alam ko lang na para sa lahat 'yung ginagawa nila Dwayne at hindi ako naghinala agad... baka napigilan niya pa si Jacob ng maaga..." pahina ng pahinang sabi ko saka napahilamos sa mukha at iniwan sa mga kamay ko ang mukha kong sabog na rin.

"Ginawa mo lang naman 'yon kasi pare-pareho lang kayo ng nararamdaman. Ikaw, naghihinala ka na traydor si Dwayne pero mali ka. Si Dwayne naman, naghihinala kay Jacob pero tama siya. Pareho lang 'yun... at ang hindi niyo lang alam ay kung sino ba ang tama at mali," mahabang lintanya nito.

"Tama na 'yan, kumain ka muna, Dwizzi," si Kurt.

"Ayaw."

"Bayad mo na rin 'yan sa suntok mo sakin, kaya kumain ka na," napatingala naman ako sa biglang sumulpot na iyon.

When I Be The One (YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon