Chapter 35: Research

379 34 1
                                    

Chapter 35: Research

Joy's POV

"Kupali!"

Mabilis nagliwanag ang paningin ko ng marinig ko ang salitang iyon at lalong lalo na ang boses na iyon.

'Hehehehe... parang dati bwisit na bwisit pa 'ko do'n a? Tsk.'

"Hindi mo manlang ako namiss? Hindi ako pumasok kahapon at kaninang umaga a?!" Nakangusong reklamo pa niya ng makalapit sa akin.

Actually, lunch break na namin ngayon at dahil tapos na akong kumain ay nagpunta akong c.r. at saktong paglabas ko naman ay narinig ko siya.

"Eh paki ko ba sayo?" Kunwaring walang pakielam na sabi ko pa.

Hindi ko siya pinansin dahil nagderetso na ako sa lakad kahit na nakita ko pa sa pheriperal vision ko na nagulat siya.

"T-tignan mo 'to..." pagsunod niya sa akin.

"Inaano kita?"

"Badtrip ka, alam mo 'yon?!" Sigaw pa niya.

"Anong ginawa ko sayo?" Maang-maangan ko pa.

"Tch," dinig kong sambit pa niya.

Palihim naman akong napangiti at kinarir ang hindi pagpansin sa kaniya.

"Pagkatapos nung nangyari nung isang araw na halikan---"

"Hoy!" Agad na putol ko sa kaniya at tumigil sa paglalakad saka humarap sa kaniya.

"Oh? Ano? Bakit? Ginusto mo rin naman a?! 'Wag mo sabihing hindi?!"

"Ha!" Singhal ko pa, "Talagang hindi!" Sigaw ko na kita ko namang ikinatigil niya.

'Syempre joke lang eon hehehehe...'

"A-ano?!"

"Sino bang h-hum---k-kumiss ha?!" Utal na tanong ko pa.

'Badtrip! Panira ng--- amp!'

Nakita ko naman siyang ngumisi at nanlilisik na mga matang tinitigan ako.

'Tsk. Kasi naman e!'

"Kupali... mas nakakaluwag ng damdamin kung aaminin mo ng gusto mo rin ako..." nakangising sabi niya na unti unti pang lumalapit sakin.

"Hop!" Pigil ko sa kaniya na hinawakan pa siya sa dibdib. Lalo lang lumaki ang ngisi niya sa hindi ko malamang dahilan.

"'Wag kang l-lalapit..." dagdag ko pa.

"Talaga namang..." nang-aasar pa niyang sabi niya na nakatingin sa kamay kong nakahawak sa dibdib niya at para bang binibigyan niya iyon ng kakaibang meaning kaya naman agad ko siyang sinuntok sa dibdib, "Ah!" Sigaw niya.

"Ano ba?!" Dagdag niya pa at pairap na iniiwas ko ang paningin ko sa kaniya.

"P'wede namang huwag ka ring epal," sabi ko at nagsimula na ulit maglakad.

"Hindi ko alam na nagiging gan'yan ka pala kapag hinahalik---"

"Tigilan mo 'ko ha..."

"Sus! 'Wag mo sabihing ako ang first kiss mo?!" Agad naman akong napatigil sa paglalakad pero nanatiling sa daan ako nakatingin.

'Demmit!'

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Lalo lang akong napapikit ng tumawa siya ng malakas.

'Lalo ng mang-aasar 'to, haaaaay.'

When I Be The One (YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon