Chapter 31: Agreement

301 27 0
                                    

Chapter 31: Agreement

Joy's POV

"Nung grade 3 ako nagsimula ang lahat ng 'to..." sabi ko at sa akin napunta ang lahat ng tingin nila.

Huminga pa ako ng malalim bago nagsimulang magkwento sa kanila.

"May tour kami no'n at sumabog 'yung building na pinuntahan namin. Magkasama kami ni Mommy no'n at napuruhan siya. Nasa trabaho si Daddy that time kaya nung after sumabog, nagpunta agad si Daddy doon nung marescue na kami at dalhin sa hospital. After maoperahan ni Mommy, nakatulog ako sa sofa at paggising ko, nasa ibang lugar na ako... sa eskinita," pagkukwento ko.

"Teka, eskinita?" Tanong ni Tita Nazi. Tumango ako.

"Ilan lang po ang nakakaalam no'n at parang org lang po ata ang may alam ng lugar na iyon dahil---"

"Eskinita, 'yung dadaan ka sa gubat?!" Gulat na tanong nung isang lalaki. Isa sa tatay ng mga kaibigan namin.

Tumango ako, "Doon nga po," sagot ko.

"Hell."

"Shet doon din?!"

"Pa'no nangyari 'yun?!"

"Nilinis na natin 'yon, a? At wala ng tao doon, diba ga?"

Dahil sa sagot ko, nagkagulo na naman sila. Ewan ko ba sa mga 'to kung bakit parang ang halaga lagi ng mga sinasabi ko. Wews.

"Ang ingay niyo, tahimik na," salubong na mga kilay na saway nung angry bird.

"Ayun nga, doon kami nagkakilala ni Lea. Doon dinadala 'yung mga batang nawawalan ng magulang lalo na kapag may kinalaman ang org. Pagnanakaw ang kinabubuhay ng eskinitang 'yon at ang mga perang malilikom ay ibinibigay namin sa Boss namin. May paligsahang naganap at kailangang galingan para makapasok sa org kaya ginalingan namin ni Lea," pagkukwento ko.

"You mean... sa pagnanakaw?" Tanong ni Tita Nazi.

Tikom bibig na tumango ako dahil nakakahiya.

"What the..."

"Ibang klase."

"'Wag kayong gana'n, naging gano'n lang sila dahil sa org!"

"Pakshet."

"Mga gago manahimik nga kayo, kayo nga mga gangster e!"

"Bilis niyong manghusga, may iba iba tayong istorya!"

Napatingin ako sa nagsalitang iyon at bigla nalang kumirot ang puso ko.

Naalala ko bigla si Descle na naiwan namin sa org... shit. Kamusta na kaya siya? Ilang taon na rin ang lumipas...

"Kailangan talaga para makapunta ng org..." sambit ko at hinawakan naman ako sa balikat ni Tita Nazi.

"Okay lang 'yan..."

"Joy 'wag mo namang sabihing pumapatay tayo oh..." sobrang hinang bulong sa akin ni Lea sa tabi ko.

Nakita ko pang napatingin 'yung angry bird sa kaniya kaya naman hinawakan ko nalang ang kamay ni Lea biglang pagsang ayon.

"Anong nangyaring sumunod?"

Hindi ko pwedeng sabihin siyempre na kailangang pumatay ng inosenteng tao para makapasok talaga sa organization.

"Nakapasok kami sa org. Kaya kami may tattoo, at 'yung org ay doon sa underground. Hindi namin alam kung saan iyon pero underground iyon. Hindi basta basta nakakapasok doon..." sabi ko.

When I Be The One (YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon