Chapter 48: Supermarket

142 21 1
                                    

Chapter 48: Supermarket

Joy's POV

Lumipas ang mga araw na puro pagpaplano ang inasikaso namin.

At dahil hindi naman na kami nag-aaral ay through chat nalang namin nakakausap sila Jelly, Claire, Sammy at Chen. Habang si Yazzi naman ay kada uuwi galing eskwelahan ay nalulungkot pa rin para sa amin dahil namimiss na daw nila kami na pumasok.

Sinabi ko sa kaniya na babalik kami doon para malaman kung sinong traydor sa grupo namin o kung saan mang section nagmula ang nagsulat ng codename namin sa board.

Sinasabi ko na nga ba't mahirap talagang magtiwala ng mabilis lalo na at ngayong nalaman kong anak ni Alice si Pier...

Hindi ko talaga matanggap...

Pinagplanuhan namin ang pagpasok sa org at madalang ko na ring makausap si alikabok dahil sa bukod na ngang may pasok siya ay may iba pa siyang inaasikaso.

'At hindi ko alam kung ano iyon.'

Pero masasabi ko rin naman sa sarili kong okay lang naman 'yun dahil... Wala naman kaming label, diba?

Hindi ko nga alam kung nanliligaw na ba siya sa akin dahil hindi niya ako tinatanong kaya hindi ko rin alam kung paano siyang sasagutin na baka ako pa ang mapahiya kaya hindi ko na muna masyadong inisip iyon dahil marami pang gumugulo sa utak ko ngayon na naiintindihan rin naman niya.

"Joy..." Biglang tawag sa akin ni... Tita Nazi sa kalagitnaan ng pag-iisip ko.

"Payakap nga," agad na sabi niya habag nakatayo ako't may hawak na papel.

Hindi manlang ako nakaangal dahil sa hindi niya na ako pinagsalita't basta nalang akong niyakap.

Hindi ko alam kung ako lang ba 'yung nawi-weirduhan sa ginagawa ni tita Nazi dahil habang nagpaplano kami, panay na ang ganiyan niya at lagi ko nalang nararamdaman sa baywang ko na parang may kung anong pumupulupot doon na kung anong hindi ko talaga malaman kung ano.

Nang matapos akong yakapin ni Tita Nazi ay tiningnan ko ang baywang ko at wala naman ulit na kung ano.

'Napapraning lang talaga ako.'

"Napaka-sexy mo talaga," matamis na ngiti nito sa akin na ipinagtaka ko.

"K-kayo rin po, hehe..." Nahihiya pang sabi ko.

Nahuli pa ng mata ko ang mabilis na paglagay niya ng kung anong kapit niya kanina sa bulsa niya at nawala agad ang tingin ko doon ng hawakan niya ako sa magkabilang braso.

"Lakasan mo lang ang loob mo, okay? Magiging maayos lang ang lahat, manugang ko hihi..."

Nanlaki namang bigla ang mata ko sa itinawag niya sa akin at mabilis na umalis sa harap ko.

'A-ano daw?'

"Ano 'yun?" Biglang lapit naman sa akin ni Lea habang tinatanggal ang earphone niya.

"Hindi ko rin alam."

"Pansin ko ngang lagi ka niyang niyayakap. Hehehehe..."

Napapahiya naman akong tumingin sa kaniya, "Bakit kaya?"

Bigla niya akong nginitian ng nakakaasar, "Ano sa tingin mo?" Nang-aasar talagang tanong nito.

"Ano na naman?"

"Sus."

"Bwisit ka, lumayas ka nga dito!"

"Eyyy..."

When I Be The One (YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon