Chapter 2: G.O.

1K 50 4
                                    

Chapter 2: G.O.

Joy's POV

"Ha?! Detention office?!" sigaw ni Lea na agad ko namang tinakpan ang bibig dahil nagtinginan iyong mga kaklase namin.

At dahil first day nga lang, wala masyadong teacher.

"Pwede namang hindi sumigaw diba?" napapairap kong sabi dito at dahil first day nga, seatmate pa kami ngayon ni Lea pero baka bukas ayusin na.

"Kaya ba lumabas si Ma'am kanina eh dahil sayo? Ikaw yung sumigaw? Teka--- hindi e! Boses lalaki eon." napapaisip lang aniya.

"Eysht!" napatungo nalang ako sa desk at hindi na siya pinansin.

Deretso lang sa pagsalita si Lea ng sabay na tumunog ang cellphone namin. Nakatungong kinuha ko sa bulsa ang phone ko at tinignan kung sino mang nagtext na iyon. Double pop lang ang ringtone ko sa text at hindi honeybunch.

From: 0966*******

Kala niyo ba ay di ko kayo mahahanap?

Sabay kaming nagkatinginan ni Lea ng pareho kaming makatanggap ng text na iyon.

"Holyshit." aniya.

"Ano ba 'yan. Last year nalang e, pagta-transferin pa tayo ng gagong 'to." sabi ko.

"'Wag ka ngang maingay." ani Lea.

"Eh anong gagawin natin?" nakangiwing tanong ko.

"Trace nalang natin mamaya."

"Bwisit, magbabayad pa tayo no'n kay Manong Bano---"

"Pwede bang 'wag kayong maingay? Pwede?" sabay kaming napalingon ni Lea sa likod at isang masamang tingin ng lalaki ang bumungad sa amin. Halata mong puyat.

"Ah, sorry." sagot agad ni Lea.

Agad naman akong napangisi.

"Haha! Sorry, brad. Sige na. Tulog ka na. Inet ng ulo natin e 'no? Wala namang teacher diba? Bawal mag-ingay? Aba kung ayaw mo kami mag-ingay e pwede kang lumabas. 'Yon, pwede 'yon---"

"Joy!" ani Lea kaya naman napalingon ako sa kaniya.

Pinandidilatan na niya ako ng mata at gamit ang matang iyon ay may itinuturo pa siya sa likod ko.

Agad naman akong lumingon sa likod ko at mabilis na napapikit ng bumungad sa akin ang isang unggoy na sobrang lapit sa pagmumukha ko.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo kay Boss? Ha?!" inis ko namang pinahid ang ilong ko ng maamoy ko ang mabaho nitong hininga gamit ang likod ng hintuturo ko habang napapikit ulit ako sa huli niyang isinigaw.

"Brad, layo ka nga saken." mahinahon ko pang sabi at tikom bibig na itinulak ang dibdib niya gamit ang hintuturo ko. Tinawan lang ako nito.

Alam kong pinagtitinginan na kame ng mga kaklase namen.

Tumayo ako at narinig ko pa ang tawag sa akin ni Lea. Alam kong nagpapakabait siya para maganda ang record niya sa school na 'to dahil sa plano pero dahil sa dakila akong matigas ang ulo at hindi sanay na ginaganito e tama lang na lumaban kapag nakakabastos na lalo pa at ka edad.

Umayos ren ng tayo ang unggoy na kutong lupang 'to at nakita kong may apat pang lalaki na nasa likod niya.

'Abuuuh...'

Nilingon ko naman ang lalaking pinagmulan ng eksenang ito at nakita kong nakahalukipkip lamang siyang nakataas pa ang isang kilay sa akin. Agad naman akong napatawa sabay ngisi at tinignan siya ng masama. Ibinalik ko naman ang tingin sa mga unggoy na 'to dahil maski sila ay napangisi rin.

When I Be The One (YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon