Chapter 6: Crush

618 38 5
                                    

Chapter 6: Crush

Joy's POV

"Ate Sappi! Gising na!" malabong dinig ko at ramdam ko ring niyuyugyog pa ako ng kung sino kaya naman dinilat ko ang mga mata ko at bumungad naman sa akin si Deandean.

"Eysht. Katutulog ko lang pwede 'wag kang maingay na bata ka?" inis pang sabi ko at tinakluban ng unan ang mukha ko.

"Sabi ni ate Kim le-late ka na daw!" sigaw pa niya at patuloy sa pagyugyog sa akin.

'Oh god where the hell did he come up with names?! What's with the first name?!'

"Urgh!" nakapikit pang inis na sabi ko sabay bangon.

"Ate Sappi kain na tayo." yaya pa nito at nilingon ko naman itong pipikit pikit pa.

"Sappi?" mataray pang tanong ko habang antok na antok pa talaga.

"Kain na tayo a a!" nakangusong aniya.

"Eysht. Kumain ka na doon! Maliligo na ako. Late na naman pota." sagot ko at tumayo na.

Papasok na sana akong c.r. ng hindi ko na siya marinig na nagsalita kaya naman nilingon ko ito.

"Anong problema mong bata ka?"

"No bad words." tikom bibig pang aniya na parang sinesermonan ako habang masama ang tingin sa akin at nag cross arm pa.

Agad naman akong napatawa.

"Ano kamo?"

"Ate Sappi kala ko good ka! No bad words!"

"Hey don't call me Sappi, yuck! Saka sinabi ko bang good ako? I am bad. So bad." sabi ko pa at pumasok na sa c.r. na natatawa.

'Juskong bata marunong palang mag ingles.'

Minabilis ko na naman ang ligo gaya ng nakasanayan dahil bwisit talaga si Lea at hindi ako sinasabay sa gising niya! Eysht.

"Oh my god!" agad naman akong napasandal sa pinto ng c.r. ng maisara ko 'to at pagharap ko ay nakatambad sa harap ko si Deandean at masama pa rin ang tingin sa akin na nakahalukipkip pa talaga.

'Nakatapis lang ako ng tuwalya gosh!'

"Y-you freaking--- eysht! Get the hell out of here! Magbibihis ako!" sigaw ko.

Ngumuso lang ito saka umirap sa akin at tumalikod na saka nagtakip ng mata.

"Sabay tayo kain sabe mama. Bihis ka na, me is hungry na." sabi pa nito.

'Mama? Si Manang?'

"Okay, you can wait me outside, baby. Di ako sanay magbihis ng may tao akong kasama eysht! Labas na!" sigaw ko pa dahil late na talaga ako.

"Oki." aniya at nagtatakbo na palabas.

Nakahinga naman ako ng maluwag at mabilis ng nagbihis ng uniform.

'That freaking--- eysht!'

"Oh, Joy---"

"Manang ikaw ba nagturo jan na Sappi ang itawag saken? Yuck! Mukha na ba akong may sapi?!" agad na bungad ko at derecho upo at kain samantalang si Deandean naman ay bumubungisngis pa at lumalamon na rin.

'Bwisit na bata.'

Tumawa lang si Manang habang inaasikaso 'yung pagkain ni Deandean.

"Sinabi ko lang naman 'yung buo mong pangalan. Aba malay ko bang Sappi ang itatawag niya sa'yo. Cute naman a? Diba, Dean?" ani Manang at bumubungisngis namang tumango si Deandean at napairap nalang ako saka binilisan ang pagkain.

When I Be The One (YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon