Chapter 25: 05 means...

399 36 9
                                    

Chapter 25: 05 means...

Joy's POV

"Hindi namin kayo sasaktan, Joy... may alam ba kayo sa organization?" tanong ni Tita Nazi.

Napalingon ako kay Lea at nakitang hindi niya rin alam ang isasagot niya. Napapikit ako at inisip mabuti kung anong isasagot ko.

"Anong meron sa organization?" tanong ko na ikinadismaya ng iba at napabuntong hininga pa.

Nanatili namang nakatitig sa amin ang asawa ni Tita Nazi.

"BVTO means Beast Via Theft Organization, hindi ba?" usap nung angry bird. Napalunok naman ako at hindi nagsalita.

"05... alam niyo ba kung bakit may 05 sa pangalan ng org?" tanong nito sa amin. Hindi pa rin ako sumagot.

"Mayroong limang magkakaibigan na bumuo ng organization at itong mga larawang 'to ang bumubuo no'n." sagot nito sa sariling tanong na ikinakunot ng noo ko.

'Hindi namin kailanman nalaman kung anong ibig sabihin ng 05 sa organization dahil hindi ito sinasabi ng boss namin noon.'

"Elizabeth Niraña, Neil Gray, Lex Bordeaux, Stephen Quiterro..." lalo lang kumunot ang noo ko ng apat lang ito. Sino 'yung isa?

"Bago ko sabihin 'yung isa... may alam ba kayo tungkol sa org?" tanong pa nito sa amin.

"Sabihin niyo po muna sa amin kung anong gagawin niyo sa org at kung bakit niyo alam ang lahat ng 'yan." sabi ko.

"Kailangan naming sirain 'yon." seryosong sagot nung angry bird.

Napasinghap ako at inilibot ang paningin sa mga gangster na ito na nakatingin sa amin.

"H'wag po muna ngayon." sabi ko at napakunot ang noo nilang lahat.

"Joy, ano ba... binubuking mo na 'yung pagkatao natin." bulong ni Lea.

"May alam nga kayo." sambit pa ng isang lalaki.

"Ngayon, sabihin niyo na samin kung sino 'yung isang bumuo ng org." sabi ko.

"Kevin Smith." agad na sagot nung angry bird na ikinakunot ng noo ko.

"K-kevin Smith?"

'Smith?'

"Maupo na kayo." utos nito at nagkatinginan pa kami ni Lea bago kami maupo ng dahan dahan.

May cinlick siya at lumabas ang picture nung Kevin Smith na ikinatulala ko.

'Kamukhang kamukha ito ni... Pier.'

"Bakit, Joy?" tanong ni Tita Nazi.

"Kilala mo rin 'yan?" tanong naman ni Lea sa tabi ko.

"H-hindi ako sigurado..." sambit kong nakatingin pa rin sa screen.

'Bakit... bakit kamukha pa ni Pier?'

"Magkakaibigan silang lima nung kabataan nila. At dahil may alam kayo sa org, kailangan nating magtulungan." usap nung angry bird na ikinatingin ko at nakaabang naman silang lahat sa isasagot namin.

Napaisip naman ako sa mga larawang pinakita.

Kaya ba hindi ko mahanap si Mommy dahil may kinalaman rin siya sa organization dahil 'yung nanay niya ang isa sa bumuo nito? At dahil ba nawawala rin ang Daddy ni Lea ay dahil sa ang tatay din ng Daddy nito ang isa sa gumawa ng org?

'Posible bang iyon ang dahilan?'

"Ngayon, magsabi na kayo ng totoo sa amin kung anong kinalaman niyo sa organization."

When I Be The One (YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon