Chapter 36: Baby's Gone

419 33 4
                                    

Chapter 36: Baby's Gone

Joy's POV

Sabado.

Wala kaming pasok ngayon at gumising akong tulog pa sila. Tatlo kaming natutulog dito sa kwarto ni Yazzi, ako, si Lea, si Yazzi.

At dahil mayaman sila Yazzi, queen-sized bed ang hinihigaan namin ngayon. Nasa left ako at nasa right naman si Lea samantalang nasa gitna naman si Yazzi.

Nakamulat na ako pero hindi ko pa rin magawang bumangon dahil sa kaiisip ng maraming bagay...

'May tinatago ba si Pier sakin?'

You know, kaibigan ko na si Pier... at talagang malaki na ang tiwala ko sa kaniya dahil ilang b'wan na rin kaming nagkasama doon sa Mcdie. Mahilig rin kaming magk'wentuhan pero never namin pinag-usapan ang tungkol sa mga buhay namin...

Kaya naman... hindi ako pinatulog ng maayos kagabi ng kakaisip kung bakit ganoon nalang 'yung lumabas sa resulta na ipinakita sa akin ni Tito Troy.

Dahan dahan akong bumangon para hindi ko magising ang dalawa at saka dahan dahan ring lumabas ng kwarto. Pagkalabas ko lang ng k'warto ay doon ko lang naisipang tingnan ang oras sa relo ko.

'3:03 a.m.'

Dahan dahan akong humahakbang pababa ng hagdan at nung malapit na ako sa baba ay sinilip ko ang salas na sangkatutak sa screen. Walang tao.

Kaya sa salas ang set-up ng mga ito dahil marami sila at kailangan rin nila ng matutulugan. Ang tinutukoy ko ay 'yung mga titos, hehehehe...

'Buti hindi sila hinahanap ng mga pamilya nila, ano?'

Nagpunta ako sa guest room kung saan doon natutulog sila Manang at Deandean. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at sumilip.

Pero halos mapatalon pa ako sa gulat ng pagsilip ko ay nasa harap ko na si Deandean na nakatingin rin sa akin.

"A-anong--- b-bakit gising ka na?" Hindi malamang i-uusap na bulong ko dahil sa gulat.

"Ate Sappi..." mahinang bulong rin niya kaya naman nilakihan ko na ang bukas ng pinto at umupo sa harap niya ng nag-aalala.

"Why, baby? May masakit ba sa'yo? Anong nangyari? Bakit gising ka na?" Hindi maiwasang mag-alalang tanong ko.

Bahagya pang nanlaki ang mata ko ng bigla niya akong yakapin kaya wala rin akong nagawa kung hindi yakapin siya pabalik.

"Baby, why?"

Naalala kong baby rin ang tawag sa akin ni Mommy kaya naman... baby na rin ang itinawag ko sa kaniya at hindi Deandean. Kahit na ganitong parehong dahilan kung bakit kami nawalay sa mga magulang namin ay gusto kong lumaki manlang siya ng may mga taong nagmamahal rin sa kaniya.

"N-nipaganipan ku po si Daddy..." sagot niya na ikinatigil ko.

Kumalas ako ng yakap at iniharap siya sa akin. Hinawakan ko ang dalawang malaki niyang pisngi.

"Halika, baby, doon tayo sa kitchen," nakangiting yaya ko at kinarga ko naman siya saka dinala ito sa kitchen.

Pinaupo ko siya sa isang upuan at kumuha ng water sa inabot iyon sa kaniya at kumuha rin ako ng para sa akin.

"Anong napaginipan ni baby, hmm?" Pilit pinasasayang tanong ko.

Umangat ang ibabang labi niya dahilan para kumunot ang baba niya. Animong naiiyak siya kaya naman dali dali akong nilapitan siya at niyakap ulit.

"Sshh... don't cry, baby. Nandito lang si ate Sappi mo, okay?" Pang-aalo ko pa.

"Namimiss ku na pu si Daddy..." aniya at kumalas naman ako sa pagkakayakap sa kaniya. Bigla akong nakaramdam ng lungkot para sa kaniya.

When I Be The One (YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon