Chapter 24: Old Gangsters

440 37 10
                                    

Chapter 24: Old Gangsters

Yazzi's POV

"Oy, Kuya. Bakit pinatawag nila Daddy sila Joy at Lea?" tanong ko kay Dwizzi ng mag lunch na.

Nakahalukipkip at nakakunot lamang ang noo nito na deretsang nakatingin sa harap. Parang hindi ako narinig dahil hindi man lang siya gumalaw sa itinanong ko.

"Hoy, Dwizzi!" sigaw ko at hindi pa rin siya natitinag.

"Hayaan mo muna, Yazzi." usap naman ni Chen.

'May kinalaman ba 'yon sa org na pinagkakabusy-han nila Daddy?'

"Tsk." napairap nalang ako sa kawalan at nagpunta na kaming cafeteria.

"Oh, Pier!" sigaw ni Jelly ng makita si Pier sa malayo at mukhang papunta sa nilabasan naming room.

"Ah, bakit hindi niyo kasama si Joy? Nasaan? Nakita niyo ba?" tanong agad niya ng makalapit.

Agad na naman siyang tinukso ng mga ito, "May pinuntahan sila ni Lea. Bakit?" taas isang kilay na tanong ni Claire na parang kinikilatis pang mabuti si Pier.

"Ah, hehe wala." aniya.

"Sabay ka ba samin mag lunch?" tanong ni Sammy.

"Hindi na. Kasabay ko mga tropa ko. Sige, bye!" paalam nito at nagpaalam rin naman kami sa kaniya.

"Tignan mo talaga 'tong si Pier, ayaw pang umamin e! Imposible namang kaibigan lang 'yon sa ginagawa niyang 'yon. Tsk tsk tsk tsk." napapailing na usap pa ni Jelly ng makaalis na si Pier.

Agad naman kaming natawa, "Ang sabihin mo, nagseselos ka lang. Echusera ka! HAHAHAHAHAHAHA!" sabi ko.

"Lol. May crush ako 'no! Hindi si Pier." anito na ang tinutukoy ay si Nathan.

Bigla ko namang naramdamang nag vibrate ang phone sa bulsa ng palda ko kaya kinuha ko ito at tinignan kung sinong nagtext. Pero dahil nasa likod ako at naiiwan sa paglalakad ay hindi nila napansin na nagtatype na ako sa phone.

From: Elijah ko❤

Kumain ka na?

To: Elijah ko❤

Papunta palang kaming cafeteria, ikaw?

From: Elijah ko❤

Sige, kumain kang mabuti. Ayokong nakikitang gutom ka.

Agad kong nakagat ang ibabang labi ko sa kilig. Ewan ko ba dito kay Elijah bwisit! Hindi ko alam kung kami na ba or nanliligaw ba siya sa ginagawa niya HAHAHAHAHAHA!

"Oh, Yazzi? Ba't ka nakangiti?" agad ko namang itinago sa bulsa ko ang phone ko ng magtanong si Sammy na ikinatingin nila.

"Ha? Wala may naalala lang." sagot ko.

"Ano naman 'yon?" naniningkitang mga matang tanong ni Jelly na parang tinitignan pa ako kung may nangyaring maganda ngayon. Shz.

"Basta ee! Gutom na ko tara na." aya ko hanggang sa makarating na kami ng cafeteria.

Pinag-uusapan nila sila Lea at Joy dahil wala sila dito. At simula nung nag-away sila Joy at Jacob dito sa cafeteria ay hindi na ulit sila naupo doon sa kabilang table no'n, pero dahil wala sila Joy ay doon na naman sila naupo. Pero bakante iyong upuan nila Joy at Lea doon kaya medyo malayo layo sila sa amin.

Pasimple akong tumingin kay Elijah na pasimple rin palang nakatingin sa akin kaya nakangiti akong nag-iwas ng tingin.

"Hoy, Yazzi!" napaigtad pa ako sa gulat dahil sa sigaw ni Jelly.

When I Be The One (YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon