Chapter 21: Trauma

420 33 0
                                    

Chapter 21: Trauma

Someone's POV

"Sinasabi mo bang... buhay ang anak ni Eliza?" tiim bagang na sambit ko.

"Y-yes, Sem."

"Eh ano pang ginagawa niyo?! Patayin niyo na siya!" nanggagalaiting sigaw ko at nahampas ko pa ang desk ko.

"Buhay rin po ang anak ni Sir Alexis, Sem." agad akong natigilan at literal na napatulala sa sinabi nito.

"A-anong sinabi mo?"

"Nahanap na po namin sila pero mukhang nakahalata po yata kaya po lumipat agad sila ng tinitirahan."

Nakuyom ko ang kamao ko at lalong napatiim bagang.

'Hindi pwede 'to... Alexis? May ibang anak sa babae si Alexis? Buhay ang mga tagapag mana ng org?!'

Joy's POV

"Galit ba sayo si Lea, Joy?" bulong sa akin ni Chen.

Ngumiti langa ko dito at umiling, "May regla lang 'yan." natatawang sabi ko.

"Pfft." natatawang ani Yazzi.

"Ano ba kasing problema mo, Lea?" tanong ni Jelly.

Nandito kami ngayon sa cafeteria at nakipagpalit ng upuan si Lea kay Jelly kaya napunta ito sa dulo at ayaw sa harap ko. Kanina pa rin kasi ako iniiwasan ni Lea kaya nahalata na nila. Well, wala akong magagawa. Kailangan lang namin makaligtas.

Hindi na naman umimik si Lea at nagkatinginan nalang kami at natatawang umiling.

"Malakas ba, Lea?" taas dalawang kilay na tanong ni Sammy at natawa naman sila. Tinutukoy kasi nito ang mens nito.

'Joke lang 'yon e.'

Natigil naman kaming lahat sa ginagawa ng ibagsak ni Lea ang kutsara na gumawa ng malakas na ingay at maging ang nasa ibang table ay napatingin sa amin. Tumayo si Lea dala ang tray na umalis.

"Joy, sa tingin ko kailangan niyong mag usap. Dali na. Dinadamay kami e." nakangiwing usap ni Claire.

Tumango rin 'yung iba kaya naman wala akong nagawa kundi mapangiwi nalang at tumayo narin dala ang tray at inilagay na sa place kung saan lagayan no'n para hugasan.

Lumabas ako ng cafeteria at hinanap agad si Lea. Pero dahil hindi ko makita ay kinuha ko nalang ang phone ko at tinawagan ito.

'Sabi na e. Hindi sasagutin. Eysht.'

"Sinong hinahanap mo?" napalingon naman ako sa tumabi sa akin sa paglalakad.

"Tsk. Nagtatampo pa rin sakin si Lea e. Saka nga pala, gags. Secret lang natin ha? 'Yung dun kami nakatira sa inyo. Aalis rin naman kami, promise!" itinaas ko pa ang kanang kamay ko habang naglalakad kami.

Marahan naman itong tumawa, "Wala namang problema kahit doon pa kayo tumira habang buhay." aniya na ikinatigil ko sa paglalakad.

"Eyy." sabi ko nalang at tinulak ang balikat niya.

Ipinagpatuloy ko nalang ang paglalakad habang siya tatawa tawa.

"Teka lang, bakit ka pala nandito? Diba dapat kasama mo mga kaibigan mo at kumakain kayo?" tanong ko habang lilinga linga dahil nga hinahanap ko si Lea.

"Ayaw mo nun? May kasama ka sa paghahanap."

"Bumalik ka na do'n, kaya ko mag-isa." sabi ko at binilisan na ang paglalakad.

When I Be The One (YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon