Chapter 8: 3 Boys 1 Girl
Joy's POV
"Wala na daw magdedeliver. Kilos na, Joy." sambit ni Clark na abala sa pagpapack ng idedeliver... ko. Juski.
"Aye!" tango ko pa at binitawan ang tray na buhat ko, "Ah, Pier sa no. 36 'to ha? Tengki!" pakisuyo ko at agad nang nagpunta sa fitting room at nagpalit ng may longsleeve na uniform. For delivery.
"Oh. Ikaw nang bahala dito ha? Maayos na 'yan. Lumakad ka na, kanina pa 'yan." usap pa ni Clark at ngumiti't tumango nalang ako saka binuhat na iyon.
'Pinaparusahan talaga ako ni Manager. Jusko! Sa dami ng lalaki bakit kailangang ako pa? Babae ako, gosh!'
Nagsimula lang naman 'to nung sinagot ko si Manager. HAHAHAHAHA! Aba, ako kasi sinisisi na mali mali daw ako sa pagkuha ng order. Dati kasi ay nasa cashier ako, pero dahil ayokong masisante gawa ng kailangan kong makaakyat sa taas--- basta secret, kailangan kong magtagal dito para makita ang Boss.
"Delivery!" sigaw ko pagkapindot ko sa doorbell.
Ilang minuto pa ang inantay ko bago magbukas ang pinto at---
"Oh?! Kupali?!"
At gaya nang inaasahan, pareho kaming nagulat sa isa't isa. Napairap nalang ako at saka iniabot ang order niya na agad niya rin namang inabot.
"That's Php 568.00, sir." sambit ko habang nagsusulat sa resibo.
"Wah! Talagang namang---"
"Pakipirmahan nalang po dito, sir." nakangiwing sabi ko at ipinakita ang tablet na mula sa Mcdie kung saan siya pipirma.
Natatawa naman siyang pumirma at saka iniabot ang bayad, "Thank you---" naputol ang sinasabi ko nang hawakan niya ako sa ulo.
"Teka lang. Anong oras na oh, magna-9pm na. Hindi ka pa ba tapos sa part time mo?" tanong niyang nakakunot pa ang noo.
"Eysht." inis ko namang hinawi ang kamay niyang nakahawak sa ulo ko at agad na inayos ang sumbrero kong nagulo.
"Pake mo ba?" irap ko dito at umalis na.
"Teka--- oy! Kupali!" tawag pa niya pero hindi ko na pinansin dahil may order pa akong idedeliver.
'Bwisit. Sa dinami dami ng taong hahatidan ko, nasama pa ang alikabok na 'yon.'
Pagkarating ko naman sa isang bahay kung saan last nang hahatiran ko ay kaagad na akong nagdoorbell at segundo lang ang inantay ko bago nagbukas ang pinto.
At katulad ni alikabok kanina ay pareho kaming nagulat ng makita ang isa't isa pero walang nagsalita sa amin kundi tingin lamang.
"A-ah... delivery." pambasag ko sa katahimikan at iniabot na kay gago ang order niya.
'Yup. Si gago of all people.'
Iniabot naman na niya ang order habang nagpupunas pa ng basa niyang buhok na wari ko'y bagong ligo--- ngayong dis oras ng gabe?!
"Pakipirmahan lang po ito, sir." sabi ko at tahimik naman niyang pinirmahan ang nasa tablet.
"That's Php 358.00, sir." sambit ko pa at iniabot naman niya any bayad at jusko susuklian ko pa. Putik.
"Kung ayaw mong tanggapin ang sorry ko, saluhan mo nalang akong kumain." biglang usap niya na ikinatigil ko sa paghahanap ng sukli sa suot kong maliit na bag sa bewang.
"Ha?" gulat na tanong ko pagtingala ko sa kaniya.
"Tsk." aniya at agad akong hinila papasok ng bahay.
YOU ARE READING
When I Be The One (YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1)
Teen FictionA/N: YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1. READ MY NOTE AT THE (EXCEPTION) CHAPTER. (COMPLETED) Sapphire Joy Wale. Isang babaeng hindi mo aakalain na ganoon pala ang pagkatao at estado sa buhay. Mahirap kilalanin ngunit marunon...
