Chapter 22: Codename

427 36 2
                                        

Chapter 22: Codename

Lea's POV

"Kung gano'n, hindi siya nakakasama sa tour simula no'n?" tanong ni Dwayne.

Lumingon naman ako kay Joy na nakahiga na sa kwarto nila ni Deandean dito sa bahay nila Dwayne. Gabi na at hindi pa rin ito nagigising. Sinasabi ko na nga ba't bukas na ang gising nito.

"Uhm." tango ko, "Pero h'wag ka ng mag-alala, okay naman na 'yan. Mabuti nga at nakakapagpahinga 'yan ng ayos dahil pagod na--- HAHAHA wala." napangiti nalang ako ng ilang ng masabi kong pagod na pagod na si Joy sa mga bagay na inaasikaso namin.

'Leche, muntik pakong madulas!'

"Kumain ka na ba?" biglang tanong nito kaya naman napataas ang dalawang kilay ko.

Inaya naman ako nitong kumain habang sila Manang at Deandean ay nandoon sa sala at nanonood ng t.v. . Medyo malaki kasi ang bahay kaya pupunta pa sila sa kitchen para malaman na kumakain kami, pero nanonood naman sila kaya di nila malalaman.

"Okay lang naman talaga na dito muna kayo, 'wag ka ng magalit kay Joy." aniya pa.

Napatitig naman ako sa kaniya habang nag aasikaso siya ng pagkain namin habang ako ay nakatayo lang at pinapanood siya.

"Kailan kayo naging close ni Joy? Alam ko kasi hindi basta basta nakikisalamuha 'yon sa ibang tao."

"Classmate naman ako at seatmate niya. Pwede bang hindi kami maging close?" sagot agad niya at tumingin sa akin.

Bahagya naman akong napanganga at nag-iwas ng tingin.

"A-ah..." nasabi ko nalang at kumuha ng pinggan.

"By the way, bakit pala ikaw lang mag-isa sa napakalaking bahay na 'to?" tanong ko.

Naupo siya sa harap ng ilapag nito ang sinandok na ulam sa isang bowl.

"Hindi na ko nag-iisa ngayon, kasama ko na kayo. HAHAHAHA! Kaya nga may part rin sakin na natuwa ng dito kayo dalhin ni Joy." nakangiting aniya at napatitig na naman ako saka napanguso.

'Close talaga sila ni Joy...'

"Eh kayo ba? Bakit ba kayo umalis sa tinitirahan niyo?" tanong niya.

"A-ah..."

'Shet anong sasabihin ko?'

"Ano?"

"Kumain ka nalang. Ang dami mong tanong." sabi ko at nagsimula ng kumain.

"Tch." aniya na ngumuso pa at saka nagsimulang kumain.

Hindi ba't nung first day e napakasuplado nito at parang ang hangin hangin? Naging close lang sila ni Joy e... nag-iba na.

"H'wag mo kong titigan."

"A-ah--- ah HAHAHAHA sinong tumititig?" pag-iwas ko ng tingin dahil hindi ko namalayang tinititigan ko na pala siya.

'Urgh.'

"Magkakapatid ba kayong tatlo?" tanong niya at dalawang beses ko pa siyang tinignan dahil baka hindi ako ang kausap niya.

"M-mukha ba kaming magkakapatid?" nakangiwing sabi ko.

"Kaya nga tinatanong ko diba?"

"Hindi." sagot ko nalang.

"Eh bakit magkakasama kayo?"

"Eh paki mo?" pareho kaming nagkatitigan ng tumunghay ako at kunot noong sinabi iyon.

Una akong umiling at nag-iwas ng tingin saka uminom ng tubig.

When I Be The One (YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1)Where stories live. Discover now