Chapter 20: Gago

473 34 1
                                    

Chapter 20: Gago

Joy's POV

Naglakad ako simula sa tulay bitbit ang blazer ng uniform ko at tahimik na nag-iisip isip. Matapos kong makausap ang Mom ni pixiebok, nagpunta nalang ako sa isang maliit na kainan saka uminom ng dalawang bote lang na alak at doon nagpalipas ng ilang oras bago umuwi. At hanggang ngayon ay patay pa rin ang phone ko at ayokong buksan dahil gusto kong mapag-isa ngayon.

'Nahihirapan nako...'

Malapit na ako sa building ng apartment namin at tumingala naman ako para tignan ang buwan. Ang napakagandang buwan. Sa tuwing titingin talaga ako sa buwan ay gumagaan ang pakiramdam ko. Naalala ko pa noon na lagi akong nasa bubong para lamang titigan ang buwan. Sa ganoon kasing sitwasyon, para nakakalimutan ko lahat ng problema ko.

"Kailan kaya matatapos 'to?" usap ko sa buwan at natigil na sa paglalakad.

"Sa tuwing titignan kita, naalala ko lang si sailor moon. HAHAHAHAHAHA!" napapapikit na tawa ko.

"Sabi nga ni sailor moon, she will right wrongs and triumph over evil..." bulong ko at napapapikit na. Punyeta dalawang bote lang ininom ko parang lasing na agad ako doon.

Umiling ako at huminga ng malalim saka naglakad ulit, "Hindi na talaga tama ang nangyayari kaya itatama ko ang lahat ng mali at magtatagumpay ako laban sa kasamaan." sabi ko at napabungisngis na naman dahil sa kabaliwan.

"Ah... i miss my childhood where my family is complete..." bulong ko at nangilid na naman ang luha.

'Why would Daddy suicide? Bakit? Dahil hindi niya lang kami mahanap? Tch... nonsense...'

Napakapit ako sa poste ng malula ako. Kailangan ko na talaga makauwi at inaantok na ako ng sobra. Lintis.

Umiling ulit ako at naglakad na. Pumasok na ako sa building at kahit medyo nalulula ako ay hindi naiwasan ng mata ko ang pagmasdan ang paligid.

'How unfamiliar...'

Napanguso nalang ako ng tumingin ako sa mga tao at 'yung iba naman ay napapatingin sa akin at iiwaa ng tingin kapag titingin ako. Nagdere-deretso nalang ako ng lakad hanggang sa makarating ako ng elevator. Bago magsara ang pinto ay may nakasabay na naman akong lalaking naka hoodie at napapikit ako ng mariin saka nabalik sa ulirat.

Naalala kong nag vlog ako at isinama ang mukha niya saka ito pinakita kay Deandean dahil ayoko talagang tantanan ang mukha niyang ilang beses ko ng nakita.

'Ang lalaking 'to...'

"Anong sinabi mo?" hindi makapaniwalang usap ni Lea ng makauwi ako at sinabing nakipagbakbakan ako sa mga gangster.

"Tutulog muna ako." walang ganang sabi ko dahil inaantok naman na talaga ako kahit medyo matino na ako ng kaunti at papunta na sana ako sa kwarto ng pigilan ako ni Lea at hilahin paharap sa kaniya.

"Lea..." sambit ni Manang.

"Joy, alam mo ba 'yang ginagawa mo? Tignan mo nga 'yang itsura mo! Tignan mo! Sinasabi mo ba sakin ngayon na okay lang talaga lahat ng mga pinaggagagawa mo? Ha?! Alalang alala ako sayo kanina, alam mo ba 'yon?! Malay ko ba kung napano ka na! Malay ko ba kung nakuha ka na nila Sem! Ano sa tingin mo ang mararamdaman namin?! Ano? Balewala nalang kami dito?! Kaniya kaniya na ba?! Ha?! Sumagot ka!" sigaw nito.

Nanatili lamang akong tahimik at tinitigan siya. We've know each other for 10 years at parang kapatid na talaga ang turingan namin sa isa't isa. Hindi na ako magtataka at hindi rin naman ako magagalit kung ganito ang asta niya ngayon dahil sanay na sanay na ako sa sermon nila ni Manang. Ako lang naman ang pasaway dito e.

When I Be The One (YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon