Chapter 23: Anong Meron?

415 40 5
                                    

Chapter 23: Anong Meron?

Joy's POV

"Sino sa tingin mo ang magsusulat no'n?" tanong ni Lea habang nasa loob kami ng comfort room.

"Hindi ko rin alam." sagot ko at napatingin sa salamin.

"May nakakaalam na ng pagkatao natin... hindi pwede 'to." aniya habang dahan dahang umiiling.

"Titignan nila 'yung cctv kaya malalaman natin kung sino ang gumawa nun." sabi ko.

"Shit. Pa'no na 'to? Pa'no kung nandito na nga 'yung mga org?" kinakabahang usap ni Lea.

"Sshh. 'Wag mo ngang banggitin 'yung ano. Mamaya may makarinig sayo e." sabi ko na ang tinutukoy ay ang org.

Nanatili lamang nakakunot ang noo ni Lea habang nakapamewang at sa kung saan nakatingin dahil sa iniisip. Nagpasya narin kaming magbalik sa room after no'n at saktong kararating lang din ng adviser namin para ibalita kung anong nakita niya sa cctv.

"Isang lalaki ang nagpasok sa room natin around 5:23 a.m. pero dahil nakasuot siya ng pwedeng pantakip sa kaniya ay hindi namin nakilala kung sino siya." pag-uusap ni Ma'am at iniharap niya sa amin ang laptop at dumungaw naman 'yung iba.

Maraming napatayo para tignan kung sakali mang nakikilala nila kaya naman napatayo na rin ako at tinignan iyon. Tama nga si Ma'am, nakasumbrero itong black at nakamask pa. Nakajacket rin siyang black at pants na black. Oh gosh, sinong makakakilala jan?! Nakakainis.

Dismayado ang buong klase dahil sa nakita at hinding hindi nga makikilala ang taong iyon na pumasok sa room namin na nagvandalize sa board.

"How about the other camera, Ma'am?" tanong ni gags na ikinalingon ko at ng iba.

Ngumiti si Ma'am at tumango, "Akala ko walang magtatanong e. Ofcourse, tinignan namin pero sad news pa rin dahil hindi siya nag-aaral dito. Lumabas siya agad ng school after niya isulat 'yan. Nireport na namin 'to sa principal na irereport pa sa superior kaya wala pa akong balita sa ngayon." sagot ni Ma'am.

Walang humpay ang kaba ko dahil baka nasa paligid lang ang myembro ng org at nagpaplano na sila kung pano kami papatayin. Oh gosh... katapusan na namin.

"Ma'am." sambit ng nasa labas na ikinalingon nila. Napalingon rin ako dahil parang pamilyar ang boses pero dahil nasa labas ay hindi ko ito makita.

"Oh yes, Sir Van?"

'Sir Van? Teka... s-si puppet?! S-s-si puppet?!'

"Hi sir!"

"Sir, we miss you!"

"Aa sir balik na kayo!"

Agad akong napatingin kay Lea at nanlalaki rin ang matang nakatingin siya sa akin.

"Excuse lang po kay Ms. Wale." usap ni puppet na ikinatigil ko saglit.

"Uy, ikaw daw." baling sa akin ni Chen.

"Naks naman ang player naten talaga! HAHAHAHAHA! Dinadalaw pa ni sir e!" natutuwang usap ni Jelly.

Nagtatawanan 'yung iba dahil doon at pasimple pa akong napasulyap kay Lea ng tawagin ako ni Ma'am dahil tawag nga ako ni puppet.

Lumabas ako at iniwan na kami ni Ma'am, pero dahil walang tao sa labas dahil may klase ay kaming dalawa lang ni puppet ang nasa labas. Hindi ko ipinakitang nakakahalata na ako sa kaniya at nginitian agad siya.

"Oh, puppet? Napadalaw ka?" tanong ko.

Pansin kong hindi siya ngumingiti at seryoso lang na nakatingin sa akin.

When I Be The One (YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon