Chapter 15: In Danger

494 36 2
                                    

Chapter 15: In Danger

Joy's POV

🎶You're my Honeybunch, Sugarplum
Pumpy-umpy-umpkin, You're my Sweetie Pie
You're my Cuppycake, Gumdrop
Snoogums-Boogums, You're the Apple of my Eye---🎶

Pagkababa ko ng jeep saka ko lamang nasagot ang kung sino mang nilalang na 'to ang natawag sa akin---ah si Lea pala.

(Nasa'n ka na?) aniya.

"Ulol ka e. Hindi mo ko inaantay tapos tatanungin mo ko kung nasaan ako. Tse!" sabi ko at natawa pa mismo sa sinabi ko pero hindi ko pinarinig iyon sa kaniya, kunwari galit ako.

(Taray mo 'te! Narinig ko 'yon!) agad naman akong nagulat ng marinig ang boses ni Jelly.

"HAHAHAHAHAHA! Joke lang e. Malapit na ako sa tapat ng school---"

"Ang sarap naman ng buhay mo, ano Joy?" natigilan na lamang ako sa paglalakad at pagsasalita ng harangan ako nila... Boyet.

'Eysht.'

"Inaano na naman kita?" kunot noong tanong ko at pinatay na ang tawag.

"Baka naman nakakalimutan mong ikaw ang may gawa kung bakit expelled na kami ngayon sa school na 'to?" turo niya sa tapat ng school.

'Aa Manong guard tumingin ka dito!'

"Sumama ka nalang sa amin ng tahimik at may tatapusin lang tayo." lapit pa ni Boyet sa akin kaya naman medyo napaatras ako dahil lintis ang baho niya.

"Guys, wait. Ngayon lang ako naging maaga, okay? Mamaya nalang uwian, pwede?" pakiusap ko pa habang itinataas ang dalawang kamay para pigilan si Boyet sa paglapit sa akin at maging iyong apat na ring nasa likod niya.

Tumawa naman sila at pinagtitinginan na kami ng mga tao. Mapasakay man sa jeep o tricycle. At maging 'yung mga taong naglalakad, estudyante man o hindi.

'Oh gosh. Suntukan na ba dito? Seryoso na 'to?'

"Sa tingin mo ba ay lokohan lang ang lahat, Joy? Masyado ka kasing kampante sa lahat ng mga sinasabi mo e." aniya pa.

"Hijo, anong meron jan? Anong ginagawa niyo?" biglang tanong ni Manong guard na ngayon ay nakita na ako! Yes, finally---!

Magsasalita na sana ako ng bigla akong akbayan ni Boyet at humawi naman 'yung apat na nasa likod niya dahil nasa likod nila si Manong guard at medyo malayo dahil nasa tapat siya ng school.

"Ah, Manong! Nag-uusap lang po kami dito, 'wag kayong mag-alala! May inaasikaso lang po! Diba, Joy?" baling niya sa akin habang may nakatutok na kutsilyo sa tagiliran ko. Iyong kasamahan niya ang nagtututok para hindi kita ni Manong guard.

'Tangina. Akala ba nila ay matatakot ako sa ginagawa nilang 'to? Tarages walang wala 'to sa org!'

"Tigilan niyo 'yan, may klase pa! Male-late na naman si Joy!" sigaw ni Manong guard at nagsimula ng lumapit sa amin. Lalo namang dumiin 'yung kutsilyo sa tagiliran ko ng bumulong 'yung may hawak nito.

"Pag hindi ka sumama sa amin, ibabaon ko 'to." bulong niya at nakuyom ko naman ang kamao ko.

"Ah, talaga? HAHAHAHAHAHAHA!" tumawa muna ako at saka siya tinulak bago si Boyet na nakaakbay pa sa akin. Yuck!

"Manong guard, tulong!" sigaw ko ng sasaksakin ako nung lalaki.

Mabilis na nanakbo si Manong guard papunta sa amin kaya naman inis na nagretreat sila Boyet at nagtatatakbong parang hinahabol ng isang tanod.

When I Be The One (YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon