Chapter 13: Her Ex

531 34 11
                                    

Chapter 13: Her Ex

Joy's POV

"Ate Sappi, gising na!"

"Eysht." nasabi ko nalang at tumalikod kay Deandean na niyuyugyog na naman ako.

"Male-late ka na naman sa school!" sigaw niya ulit at patuloy sa paggising sa akin.

"Kailan pa kita naging alarm, baby?" nakapikit na tanong ko habanh yapos ang isang unan.

"Nakakailang tunog na 'yung alarm mo po pero di ka nagising, umalis napo si Ate Kim." agad namang napamulat ang mata ko sa sinabi nito.

"Shit! Anong oras na?!" mabilis kong kinuha ang phone na nasa table katabi lang ng kama ko at agad ring tinignan ang oras.

7:03 a.m.

"Omygod. This clock is got to be kidding me..." hindi makapaniwalang sabi ko.

"Ate Sappi, umiyak ka ba? Ba't gan'an mata mo po?" takang tanong niya at napatayo naman na ako saka mabilis na naligo.

"Baby, labas ka na! Magbibihis si ate!" sigaw ko habang nagtatapis ako ng tuwalya.

"Oki!" aniya kaya naman lumabas na ako nung narinig kong nakalabas na siya.

Wala na akong inaksayang oras at mabilis ng nagbihis. Hindi ko pa masyadong nasuklay ang buhok ko pero napagpasyahan ko nalang na sa jeep nalang magsuklay dahil super late na talaga ako. As always.

Nakita ko ngang mugto ang mata ko dahil siguro sa kakaiyak ko na naman kagabi gawa ng naalala ko kasi si Daddy. Hays.

"Manangski, alis na po ako!" sigaw ko at hinanap pa siya at hayun kalalabas lang ng c.r. kaya dali dali na akong nagmano sa kaniya at ginulo ang buhok ni Deandean saka kumuha ng ilang sandwich na nakahain sa mesa.

Dali dali na akong nagtatakbo palabas at pagsakay ko ng elevator ay may nakasabay na naman akong isang lalaki na nakahoodie. Hindi ko makita masyado ang mukha niya dahil nakasaklob ito at pake ko ba.

Hindi ko na siya pinansin at habang nasa loob pa ako ng elevator ay doon na ako nagsuklay. Putik na buhok 'to, magpagupit kaya ulit ako ng panlalaki?

"Grabe, Joy. Late na late na late ka na!" natatawang sigaw pa ni Manong guard habang mabilis akong nagtatatakbo.

"Heysht." nang iinis na naman!

Pagdating ko sa tapat ng room ay saktong pagbukas ng pinto kaya pareho pa kaming nagulat ni Ma'am.

"Late ka na naman! Pambihira ano bang pinaggagagawa mo?!" aniya at ngumiti na lamang ako saka nagsorry sa kaniya.

Nang makaalis na siya ay saka lang ako pumasok dahil ayoko ng ma-late pa sa susunod na subject.

"Woah! Ibang klase talaga 'tong si Joy aa! Anong oras na?!" nandidilat na mga matang salubong sa akin ni Jelly.

"Ano 'te? Nasa bakasyon? Pumasok ka pa?!" sunod na sabi naman ni Chen.

"Parang kailan lang, ikaw 'yung nauuna dito sa classroom--- teka umiyak ka ba?" sabi ni Claire at napaiwas naman ako ng tingin saka naupo sa tabi ni gago.

Tinginan naman sa akin lahat ng itanong iyon sa akin ni Claire. Oh gosh, here we go again.

"Anong nangyari? Ba't ka umiyak?"

"Uy, bakit?"

"Sabihin mo ba't ka umiyak!"

"Eysht." napapikit na lamang ako sa sunod sunod nilang tanong at hindi ko naman alam kung paano sagutin.

When I Be The One (YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon