Chapter 30: Flashback 0.5

319 27 1
                                    

Chapter 30: Flashback 0.5

Joy's POV

Alam kong mahirap ang ginagawa naming ito pero naging bihasa na rin kami dahil minsan ay wala kaming pahinga hangga't hindi namin nakukuha ang pakay namin. Minsan ay hindi namin pinapatay ang taong may ari ng black card dahil kailangan siya no'n para ma-verify daw kung siya talaga ang gumagastos no'n dahil sa company nanggagaling ang perang iyon.

Si puppet ang lagi naming nakakasama sa mga mission at siya rin ang naglilibang. Magandang trabaho ito para sa kanila dahil hindi napapansin ang mga bata kung sakali mang makapasok ng basta basta sa ganoong pribadong lugar dahil sasabihin lang namin kapag namali na naligaw lang kami para hindi bisto. Ganoon kadali.

"Guys! Guys! Dali, dito!" Bulong ni Ryuper habang nakasilip sa isang pinto.

Sumunod kaming apat at nakisilip na rin. May limang tao na nag uusap at ang iba ay may ginagawa habang ang iba naman ay nakaupo lang, chill.

"Kung ako sa inyo, pinapatay ko na 'yan," sambit ng isang lalaking may edad.

"Si Sem na ang bahala doon, mamaya ikaw pa mapatay," nakangising sabi ng isa.

'Sem?'

"Hindi dapat nabubuhay ang tunay na tagapagmana ng org, malay mo katapusan mo na pala hindi mo alam," sagot naman ng isa.

Hindi ko malaman kung anong pinag uusapan nila pero sa tingin ko naman ay may makukuha kami dito. Sana...

"May anak ba ang mga 'yon? Tingin mo? Nasa eskinita na kaya sila? Tch," tumatawang sabi ng isa.

Parang naglolokohan lang ata 'tong mga 'to.

"Balita ko meron e, di ko lang kilala. Wala naman akong pake," sambit ng isang babae.

"Ows? Dapat pinapatay na rin ang mga 'yon, may dugong tagapagmana ang mga 'yon HAHAHAHA! Tanga nitong si Sem, ewan ko ba kung anong tumatakbo sa utak no'n," sambit ng isa at uminom ng wine.

"Alis na tayo? Mukhang wala naman tayong mapupurat sa mga gagong 'yan," sabi ni Bomki.

"Sshh... aalamin natin kung sino 'yung sem---"

"Shit!"

Nanlalakihang mga matang nagtinginan kami sa isa't isa ng dumulas ang paa ni Descle sa hindi malamang dahilan na siyang ikinabuking naming lima dahil napatingin na 'yung mga nag-uusap sa loob sa amin.

"Anong ginagawa niyo dito?!" Sigaw ng isang babaeng lumapit sa amin.

"Papasukin mo 'yang mga 'yan dito," sagot ng isa.

Napapalunok at napapatungong nagpasok kami sa loob at tinitignan pa kami bawat isa. Kinikilatis baga.

"Aba... 'tong mga batang 'to, marunong na kayong makinig ng usapan ng mga matatanda?" Sarkastikong pabirong sabi ng isang lalaki.

Nanatili kaming nakatungo at walang tumutunghay.

"SORRY PO!" Sabay sabay na sabi namin.

"Mga wala namang kwenta 'yan, hayaan nyo na, hoy mga bata! Binubuhay lang kayo para magtrabaho, hindi para makinig sa usapan ng mga matatanda ha! Tandaan niyo 'yan!"

"OPO!" Sagot ulit naming lahat.

"Sandale..." sambit ng isa at kita kong tumayo siya kahit nakatungo ako.

Lumapit siya sa tapat ni Lea at itinunghay ang baba nito, "Bakit parang pamilyar ang mukha ng batang 'to?" Aniya. Napalunok naman ako.

"Bakit naman magiging pamilyar 'yan at kanino naman? Tch," natatawang sabi ng isa.

When I Be The One (YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon