Chapter 45: Cry
Joy's POV
Noong una... natatakot talaga ako sa mga mangyayari sa hinaharap dahil bukod sa pareho lang naming hinahanap ni Lea ang aming mga magulang ay wala ng iba pa kaming hiniling. Kaya naman ngayong dumating na ang araw na kinatatakutan ko na nahanap na ni Lea ang hinahanap niyang Daddy niya e... paano na ako?
Natatakot talaga akong dumating 'yung araw na 'to dahil... sa labang 'to... mag-isa nalang ako.
"B-bakit parang malungkot ka?" Tanong ni alikabok sa tabi ko.
Hindi ko na tuloy napigilan ang masakit na dinaramdam ko na pati siya ay naramdaman na rin.
'Oh God, please help me...'
"Wala na kasi si Daddy k-ko..." malungkot na sagot ko at pinilit ko talagang ngumiti para naman hindi siya masyadong mag-alala pa.
Hindi napigilan ng yakap niyang 'yon ang nararamdaman ko ngunit doon ako nakaramdam ng sobrang comfort sa loob ng mga bisig niya na kailanman ay hindi ko hiniling kanino man.
"I'm sure na nanjan pa rin siya at binabantayan ka... h'wag kang mag-alala, hahanapin natin ang Mommy mo. 'Wag ka ng umiyak..." sambit niya na mas lalong nagpagaan ng loob ko.
"Thank you..." sabi ko.
"Hindi kita iiwan kahit gaano ka pa ka-kupal."
"Eysht," bigla akong humiwalay sa kaniya ng yakap at sinaid ang pahid ng luha ko at nang tingnan kong muli siya ay nakangiti na siya sa akin.
"'Wag ka ng umiyak... nasasaktan ako," biglang seryosong sabi niya.
Bigla akong napatitig sa kaniya dahil sa sinabi niyang iyon at ngayon ko lang ulit ito naisip...
"Bakit nga ba gusto mo ako?"
"Kasi I love you," nakangising aniya.
Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin.
"Pakyu."
"'Wag ka ng iiyak ulit sa harap ko a?"
"Tss. Sino ka naman para sundin ko?"
"Your future husband," nakangisi na namang aniya na akala mo nagbibiruan kami.
"Hindi ka nakakatawa."
"I can be your clown, day or night, just to make sure that my future wife is not crying anymore."
"Hindi ka talaga nakakatawa, alikabok."
Salubong ang kilay kong iniiwas ang paningin ko sa kaniya, "Ang korni mo. Alis nga!" Pagtaboy ko sa kaniya.
'Gosh, ano bang nangyayari sa kaniya?'
Napapailing na iniwan ko sila doon at nagpaalam kay Manang, na kasalukuyan ding naluluha dahil sa pagkikita ng mag-ama, na aakyat muna ako sa kwarto ni Yazzi para magpahinga dahil parang bigla nalang kumirot 'yung ulo ko dahil siguro sa stress at nag-isip isip pa ako ng kung ano ano kanina. Hays.
'Mommy... Deandean... hang on, kayo naman ang susunod na makikita ko.'
Ipinikit ko ang mga mata ko at sinubukan nalang matulog.
🎶You're my Honeybunch, Sugarplum
Pumpy-umpy-umpkin, You're my Sweetie Pie
You're my Cuppycake---🎶
Inis kong kinuha 'yung phone sa bulsa ko at kusot kusot ang matang sinagot ko ito habang nakahiga pa.
YOU ARE READING
When I Be The One (YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1)
Teen FictionA/N: YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1. READ MY NOTE AT THE (EXCEPTION) CHAPTER. (COMPLETED) Sapphire Joy Wale. Isang babaeng hindi mo aakalain na ganoon pala ang pagkatao at estado sa buhay. Mahirap kilalanin ngunit marunon...
