Chapter 26: Flashback 0.1

468 35 4
                                    

Chapter 26: Flashback 0.1

Third Person POV

10 years ago.

"Dito ang line ng Grade 3-A!"

Napuno ng ingay ang court dahil sa mga batang nagkakagulo at patuloy sa mga bungisngisan.

"Dito ang 3-B! 3-C!" patuloy sa pag-anunsyo ang isang babaeng announcer sa itaas ng stage habang ang kaniya kaniya namang adviser ng mga bata ay siyang pag-aasikaso sa mga ito.

"Oh ayan, siguraduhin munang kumpleto kayo bago sumakay ng bus, okay?" dagdag pa ng babaeng may hawak ng mic.

Nagsimulang mag head count ang mga bata ng matapos at maayos ng maihanay ang mga ito.

"Okay na ba?" tanong pa ng tagapag-anunsyo.

"Ma'am sandali lang po! May kulang pong isa sa akin. Jusko! Nasa'n na ba ang batang iyon?!" ninenerbyos na sigaw ng isang guro.

"Ha? Anong pangalan at section niyo?"

"Section 3-A po kami at Sapphire Joy Wale po ang pangalan ng bata." sagot nito.

Agad namang inanunsyo ang pangalan ng batang si Joy habang ang ibang mga magulang naman na naroroon ay mga nagbubulungan na dahil sa naudlot na oras ng pag-alis.

"You should be aware that you can't escape from the org, Eliza." sambit ng isang babae sa kabilang dako kung saan makikitang nag-uusap ang dalawang may edad na babae.

"Hindi mo na kailangang sabihin 'yan. Alam na alam ko na 'yan, Alice." sagot naman nito sa kausap.

"At alam mo ring hindi na ligtas ang anak mo n'yang si Joy. Sinasabi ko sayo, una palang dapat nag-abroad na kayo." panenermon ng isang babaeng si Alice.

"Hindi rin naman kami ligtas sa abroad. At kung tutuusin mas delikadi pa kami doon." malungkot na sagot ni Eliza at tumingin sa mga batang nagkakagulo sa hanay.

"Gusto ko lang namang magkaroon ng normal na buhay ang anak ko." bulong pa nito.

"Sapphire Joy Wale. Nawawala daw po si Ms. Wale. Parents? Parents, ang anak niyo po ay nawawala."

Agad nagkatinginan sina Eliza at Alice sa narinig na anunsyo ng babae at mabilis silang nanakbo papunta sa court.

"Nawawala ang anak ko?! Sandali lang! Paani nangyari iyon e diba nakahanay lang silang lahat dito?! Nasaan ang anak ko?!" kinakabahang pagsisigaw ni Eliza.

"Ma'am, kumalma po muna kayo. Hinahanap napo namin ang anak niyo..."

"Eliza, kumalma ka muna. Nandiyan lang 'yung anak mo baka naligaw lang kung saan."

"Paanong nawawala ang anak ko?!" patuloy sa pagwawala ang inang si Eliza.

Habang patuloy sa paghahanap ang mga tao sa court ay makikita naman sa kabilang banda ang isang batang paslit sa isang comfort room. Umiihi at tila kumakanta pa ito ng 'You're my honeybunch' song.

"Because... you are so dear~." damang damang kanta ng batang si Joy at tumayo na saka lumabas ng cubicle para maghugas ng kamay bago lumabas sa c.r.

"You're my honeybunch, sugarplum--- uh?" natigil naman siya sa pagkanta at paglakad ng makita niyang nagkakagulo sa court na kaniyang iniwan para umihi.

Natanaw rin niya ang kaniyang ina na umiiyak kaya mabilis itong kumaripas ng takbo papunta doon. Pinagtinginan pa siya ng may sumigaw na kaklase niya at itinuro siya kaya agad siyang sinalubong ng ina.

When I Be The One (YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon