Chapter 46: Shock

176 17 0
                                    

Chapter 46: Shock

Joy's POV

"Ikaw na ba ang anak ni Tony?"

Nakangiti namang tumango ako kay tito Alexis at ramdam kong natutuwa rin siyang makita ako.

"Hindi ko po alam na magkakilala po pati pala kayo ni daddy," sagot ko naman.

"Ang totoo ay magkaibigan kami dahil magkakaibigan rin ang mga magulang namin at natutuwa ako ngayon dahil mukhang magkaibigan din kayo ng anak ko," nakangiting aniya.

Hindi ko naman naiwasan ang mapangiti rin, "Ang totoo rin ho na'n, si Lea po ang kumaibigan sakin dahil ayoko po talagang magkaroon ng kaibigan noon hehehe," sabi ko.

Ngumiti naman siya at pagkalao'y nawala rin agad, "P-pasensya na... h-hindi ko napigilan ang daddy mo..."

"Saan po?"

"Gusto mo bang ikwento ko sa'yo 'yung mga araw na nawalay ka sa kaniya bago siya mawala?" Pilit ang ngiting tanong niya at natigilan naman ako saglit bago dahan dahang tumango.

Nandito kami ngayon sa may rooftop at mag aalas dose na ng madaling araw pero marami pang hindi tulog at isa na kami doon. Sila Lea naman ay tulog na dahil Linggo ngayon at may pasok na bukas kaya naman nakakausap ko na ngayon ng ganito ang daddy niya. Kung gising man siya ay hihiramin ko pa rin ang daddy niya para makausap talaga dahil sa tanong ngayon ni tito ang gustong gusto kong itanong sa kaniya.

"Nasa iisang hospital kami ng mommy mo no'n at itong mga peklat na ito sa mukha ko ay dahil doon sa aksidenteng naging dahilan ng pagkakahiwalay namin ng anak ko... hindi ko rin alam no'n na naaksidente pala ako dahil paggising ko, mag isa lang ako sa kwartong 'yon at dumating si Tony na siya mismong nag alaga sa akin kahit batid kong may galit siya sa akin," pagsisimula niya.

Agad namang nangunot ang noo ko sa huli nitong sinabi.

'What does he mean?'

"Nung una, ayaw niyang sabihin sa akin kung bakit gano'n 'yung pakikitungo niya sa akin na halata mong galit pero patuloy niya pa rin akong inaalagaan HAHAHAHA. Pero nung araw na makalabas na ako sa hospital ay doon ko na nalaman na dahil pala---"

"Nandito lang pala kayo. Kanina ko pa kaya kayo hinahanap! Akala ko naman kung napa'no na kayo, tsk," biglang sulpot ni alikabok.

'Pota... talaga.'

Agad ko siyang sinamaan ng tingin habang papalapit siya sa akin. Magsasalita na sana ako ng marinig ko ang mahinang bungisngis ni tito.

"Akala ko talaga ay sa anak ko ikaw nakatadhana, sa kaibigan pala ng anak ko," natatawang ani tito at nanlaki naman ang mata ko at napaiwas ng tingin.

Pakiramdam ko ay bigla na lamang nag-init ang pisngi ko.

'Bwisit na alikabok kahit kailan! Eysht!'

"HAHAHAHAHAHA! Dahil po ba ako ang unang nakakita sa inyo? HAHAHAHAHA!" Pagtatawa pa ng kingina.

Napairap nalang ako sa kawalan ng magtawanan silang pareho at nakita ko pang tumango si tito.

"Nag-uusap kami, bulag ka ba?" Inis na tanong ko.

Agad niya naman akong nginiwian at tinulak ang noo ko na sinadya talagang doon sa pinanggigitnaan ng magkasalubong kong kilay itinuon.

"Ah!"

"Magpapaalam ka sa susunod na mawawala ka, naintindihan mo?"

"Bwisit ka! Umalis ka nga dito---"

When I Be The One (YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon