Chapter 19: Gangster

446 34 0
                                    

Chapter 19: Gangster

Yazzi's POV

"Bakit ang tahimik ni Joy?" tanong ko kay Lea ng mag break time na.

Hanggang ngayon kasi ay nakahalukipkip lamang siya at nakapikit simula pa kaninang first subject. As in, hindi siya tumatayo para bumati. At dahil medyo likod naman siya ay hindi na ito napapansin pa ng mga teacher.

"Ganyan talaga 'yan kapag maraming iniisip. Pag ganyan ang itsura na'n, punong puno ang utak na'n kaya ayaw niya muna makipag usap sa ibang tao." sagot naman nito at nagtanguan naman kami.

Aayain sana namin si Joy mag recess dahil nga break time na pero pinigilan kami ni Lea dahil simula daw kanina sa bahay nila ay hindi na ito nagsasalita. Pinaliwanag naman niya na ayaw lang talagang makipag usap ni Joy kaya hahayaan nalang namin.

"Bakit pala absent ang kuya mo kahapon, Yazzi?" tanong naman sa akin ni Chen.

"Hmm?" lingon ko dito, "Ah, hindi ko alam." sagot ko.

"Eh? Ba't di mo alam?"

"Ewan ko dun, basta umuwi 'yun samin naka uniform tapos badtrip. Tatanungin ko nga e, pero hindi namamansin." sagot ko pa.

"Ah by the way, alam na ba ni Lea?" bulong ni Sammy sa akin.

Napataas naman ang dalawang kilay ko ng bumulong ito at napatingin naman ako kay Lea na kausap si Jelly kaya hindi nito narinig ang binulong ni Sammy. Naglalakad na kasi kami papuntang cafeteria.

"Ang alin?" takang tanong ko.

"Na gangster sila. Diba unti lang ang nakakaalam nun?" aniya.

"Ah oo nga pala. Sa palagay ko, hindi niya pa alam." sagot ko.

"Eh yung kuya mo... crush ba niya talaga si Lea?" tanong naman ni Claire.

"Jusko bakit ba ako ang tinatanong niyo about kay Dwizzi?!" biglang sigaw ko pero hindi naman masyadong malakas.

"Anong meron kay Dwizzi?" biglang singit ni Lea.

"Eh kasi nga tinatanong namin kung bakit absent 'yung bata mo." nangingiting asar pang sabi ni Chen.

"Tanga, bata daw." napapangusong usap ni Lea at nagtawanan naman kami.

"Eh kase nga---" naputol ang sinasabi ko ng magvibrate ang phone ko kaya naman agad ko itong sinagot samantalang natigil naman lahat sa paglalakad.

'Omygod, si Elijah.'

"H-hello?" kinakabahan pang sagot ko dahil nandito ang mga kaibigan ko. Ayokong makahalata sila.

(Si Dwizzi e... hindi namin ma-contact.) aniya.

"Ha? Bakit?"

(Tingin namin, may hindi na magandang nangyayari doon.)

"A-ano?!"

Joy's POV

'What if..."

"Eysht!" pabagsak kong inihampas ang dalawang kamao ko sa desk na nasa harapan ko.

Tinginan naman ang ilan sa akin na hindi nagbreak time kaya naman nginitian ko na lamang ito para kunwari'y wala lang.

Tumayo ako at lumabas ng room. Kailangan ko sigurong makalanghap ng sariwang hangin para mawala 'tong iniisip ko. Hindi pwedeng mangyari ang iniisip ko dahil... kung nagkataong tama ang kutob ko, lagot na.

When I Be The One (YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon