Chapter 10: Secret Admirer

461 33 4
                                    

Chapter 10: Secret Admirer

Joy's POV

"Aba. Naglalakad ka na, Joy? Aga mo a." pagbungad sa akin ni Manong guard.

Nginitian ko na lamang ito at derecho sa paglalakad hanggang sa makarating ako ng aming classroom.

Hindi ko alam kung bakit sobrang aga kong magising ngayon at sobrang aga ko ring pumasok. As in, 5am palang nandito nako sa school. Ako palang ang unang tao sa room pero syempre hindi naman ako mag isa sa school 'no, ako lang talaga ang tao sa room.

Wala lang, nakatulala lang ako. Nag-iisip ng mga bagay bagay. Iniisip ko kung ganito ba ang buhay ko kung hindi ako nawalay kina Mommy and Daddy? Iniisip ko kung paano kaya kung hindi kami nakaalis ng eskenita? Iniisip ko kung anong mangyayari sa akin kung hindi kami tumakas ng org? Oh gosh.

5:49 a.m. nang tignan ko ang relo ko at napagpasyahang matulog nalang. Ilang minuto palang akong natutulog ay nagising nalang ako ng maingay na ang classroom.

"Goodmorning, Joy!" bati ni Yazzi ng nakangiti at umayos naman ako ng upo at kinusot ang mata---

Naramdaman kong may nakadikit na sticker paper sa pisngi ko kaya naman kinuha ko ito at tinignan.

"Dito ka ba natulog, Joy? Grabe ha?" ani Chen.

"Asan si Lea?" tanong naman ni Sammy.

"Aga netong si Joy tapos dito matutulog ang langya." sunod na sabi naman ni Jelly.

"Ba't di mo kasabay si Lea, Joy?" tanong naman ni Claire.

Hindi ko sila pinansin dahil sa binabasa ko ang nakasulat sa sticker paper na nakadikit sa pisngi ko kanina.

Lintis bakit di ko naramdamang idinikit iyon sa akin?

'Goodmorning, crush.'

Napakunot nalang ang noo ko sa nabasa at agad naman iyong inagaw ni Chen.

"Omygod! Sino 'to, ha?!" natutuwang tili ni Chen nang mabasa ang nakasulat sa sticker paper.

Nagtumpukan naman sila doon sa papel at maging ang iba ay natawa ren. At iyon na nga, pinagpyestahan nako ng mga kaklase ko.

"Tarages ka, Joy! Natulog ka lang dito tapos may nagkacrush na sayo! Ampota magawa nga den!" napapakagat labing sigaw ni Jelly. Nagtawanan naman sila.

"Tanggapin mo nalang ang kapalaran mo, Jelly. Hanggang madre ka nalang." asar naman ni Sammy at nagtawanan sila. Maging ako ay natawa.

'Bwisit. HAHAHAHAHAHAHA!'

"Hoy, tarantado ka mag-aasawa ako 'no!" sambit pa ni Jelly at nagflip pa ng hair.

"Iba naman talaga kapag Joy to the world. Aa!" nang aasar pang sabi ni Chen. Inirapan ko naman 'to.

"Hahanapin naten kung sinong kaparehas nito magsulat dito sa room." nakangiting sabi naman sa akin ni Yazzi na sinang ayunan nila.

"Anong kaguluhan 'to?" biglang sulpot ni Lea at hayun, isinumbong na nila 'yung sticker paper na nakadikit sa pisngi ko kanina.

Napapikit nalang ako nang makitang pati si Lea ay tuwang tuwang tumili at niyugyog ako.

"Omygod, Joy! Dalaga ka na! Hindi ka na binata! HAHAHAHAHAHAHAHAAHA!" tawang tawang sabi nito na ikinatawa ng lahat.

"Hayop ka, bitch." sabi ko at tumawa na naman sila.

"Pag nalaman namin kung sino 'to, Joy. Sisiguraduhin kong kame na ang bahala sa date niyo! HAHAHAHAAHAHA!" tili pa ni Yazzi.

When I Be The One (YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon