Chapter 32: Confession

380 32 2
                                    

Chapter 32: Confession

Joy's POV

"Kupali!"

Nasapo ko na lamang ang mukha ko ng marinig ko na naman ang boses ni alikabok. Gosh, kailan ba niya titigilan ang nakakahiyang pagtawag sa akin ng ganoon?! Nakakainis!

"Kupali?"

"Kupali daw?"

"BWHAHAHAHAHA kupal ba kamo?"

"HAHAHAHAHAHA!"

"Bakit naman kupali tawag mo dito kay Joyjoy, Zizi?" Natatawang tanong nung isang lalaki. Malay ko kung sino.

Hindi ko nalang pinansin sila at nagpatuloy sa pag aasikaso sa paghahanap namin sa kuta ng organization pero dahil talagang malakas lang ang boses ni alikabok ay hindi maiwasang hindi marinig ang kinginang boses niya.

"Ewan ko nga kung ba't kupali e, basta kupal siya," sagot ni alikabok na ikinapikit ko.

'Kingina mo talaga, pixie dust! Sagad!'

"BWHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

"Tarantado ka! HAHAHHAHAHAHHAHA!"

"Tangina HAAHAHHAHAHAHAHHAHA!"

"Manahimik nga po kayo," dinig kong saway ni Yazzi.

Nilingon ko ito at nakangiti na siyang palapit sa amin ni Lea.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong niya.

Nakauniform pa sila dahil siyempre, katatapos lang siguro ng klase. Pero dahil kanina pa kami dito ni Lea at maging si Manang at Deandean ay nandito na rin kaya bihis na kami. Sinabihan nalang namin 'yung yaya ni gago na pakisabing may nahanap na kaming bagong matitirahan at sa school ko na lamang kamo kakausapin si gags.

Lumapit ako dito ng kaunti ng maupo siya sa tabi ko at bumulong, "Dito muna kami titira," sabi ko.

Nanlaki naman ang mata niya at kitang natuwa, "Talaga?!" Ramdam kong excited pang sabi niya.

"Kailangan e, ayos lang ba sayo? Hehe..." sabat naman ni Lea.

"Oo naman! Waaaaah! Saan kayo matutulog? Sa room ko? Kasya tayo doon! Kyaaaaah! I'm so excited! Ngayon lang ulit ako may makakasama sa kwarto ko kasi minsan lang sila Jelly at Claire mag overnight dito e HAHAHAHAHAHA!" Natutuwa talagang usap ni Yazzi.

"Yazzi, doon ka muna, may pag-uusapan lang kami," sabay sabat kaming napatingin sa Daddy ni Yazzi na si Tito Dwight ang ngalan.

'Tandaan mo na kase, Joy! Ogag.'

"Kaya po ba sinundo nyo sila sa school kanina, Daddy?" Tanong ni Yazzi na napatayo na.

Tumango si Tito at ngumiti nalang kami ni Lea kay Yazzi ng ngitian kami nito bago umalis.

"Kupali, anong ginagawa niyo dito? First time 'to a! HAHAHAHAHAHA!" Biglang tabi sakin ni alikabok.

Agad naman akong napangiwi sa presensya niya.

"Tabihan mo na si Lea, nahiya ka pa," bulong ko dito.

"Eh---"

"Dwizzi, mag-uusap kami, umalis ka muna," utos ni Tito Dwight.

Dinilaan ko naman si alikabok bilang pang-aasar. HAHAHAHAHAHA buti nga.

"Ba't kayo kayo lang? Sama ako," nakangusong pagpupumilit pa nito.

When I Be The One (YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon