Chapter 39: Now He Know
Dwizzi's POV
'Eskinita?'
No fuck. Andwae!
Baka makita ko lang doon... s-si... lintek 'yung anak nung guaaaaaaaaaard!
"Dwizzi!"
Doon lang nila ako napansin habang natitigilan pa ako sa pagnguya ng fries nang may tumawag sa akin. Si Tito Nash.
"Oh, Dwizzi? Kanina ka pa jan?"
"Ba't di ka man lang nagpaparamdam, pambihira ka!"
"Dito ka nga!"
"Dwizzi, anak. Sa'n ka galing?" Biglang tanong naman ni Mom.
"Mcdie," maikling sagot ko at hindi na pinansin 'yung iba saka lumapit sa kaniya saka iniabot 'yung fries na dala ko.
"Gusto mo, Mom?" Pag-aalok ko at natawa naman siya.
"Hindi na, kakakain lang namin ng tanghalian, sana ay sumabay ka na samin, hindi ka daw nila makontak?"
"Ah that..." napatingin naman ako kay kupali at nakitang nakatingin rin pala siya sa akin at masama na ang tingin.
"May ginawa lang... tropa," sagot ko at tinanguan nalang nila ako saka sila nagpatuloy sa pag-uusap.
"S-saan bang eskinita 'yan? Hehehe..." tanong ko at tumabi kay Dad na salubong na naman ang kilay.
"Doon sa eskinitang pinuntahan natin dati," sagot naman ng magaling kong kapatid.
Agad ko naman siyang pinanlakihan ng mata.
"B-bakit doon?!" Sigaw ko dahilan para magtinginan na naman sila sa akin.
"Kasi doon nalang ang natitirang hahanapan natin kay Deandean at may connection din ang org doon kaya doon," sagot ni Tito Felix.
"A-ah..." napapatungo namang sabi ko at saka sumubo ulit ng fries.
'S-sasama ba 'ko? P-pa'no kung... m-makita ko ulit 'yung lalaking anak nung guard--- aisht! Doon unang tumibok ang puso ko sumunod ay si kupali! Aisht!'
"Pahingi nga ako niyan, kuya!" Nakangusong tabi sa akin ni Yazzi.
"Tss, ayoko nga!" Biglang bawi ko doon sa fries ko na inilayo pa sa kaniya.
"Ang damot mo kahit kailan, 'no?!"
"Baka isumbong ko 'yang Elijah mo?" Bulong ko sa kaniya na ikinanlaki naman ng mata niya at agad na tumayo saka lumayo sa akin.
'HAHAHAHAHAHAHAHAHA!'
Nagpatuloy sila sa pag-uusap at nanatili akong nakinig. Kaharap ko si kupali pero masyado siyang malayo at sinadya ko naman talagang lumayo sa kaniya dahil nababadtrip pa rin ako sa landian nilang dalawa nung Pier niya! Tsh.
"Magkakaibigan ba kayo, Dwizzi?" Biglang bulong ni Dad sa tabi ko na ikinagulat ko.
"D-dad?"
"Tinatanong ko kung magkakaibigan ba kayo..." seryosong aniya na tumingin pa kila kupali, Lea, at Yazzi na nag uusap usap.
"A-ah... opo," sagot ko at sumubo ulit ng fries.
"Tsk," bulong ni Dad na ikinalingon ko sa kaniya.
"Bakit, Dad?"
"May gusto ka ba sa kaniya?" Deretsang tanong niya na agad ikinasamid ko.
YOU ARE READING
When I Be The One (YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1)
Teen FictionA/N: YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1. READ MY NOTE AT THE (EXCEPTION) CHAPTER. (COMPLETED) Sapphire Joy Wale. Isang babaeng hindi mo aakalain na ganoon pala ang pagkatao at estado sa buhay. Mahirap kilalanin ngunit marunon...
