Chapter 37: Jealous

361 30 3
                                    

Chapter 37: Jealous

Dwizzi's POV

Tss. Bakit ngayon lang ako nagka-point of view dito, author?! Baka nakakalimutan mong ako ang leading man dito?! Tch!

A/N: Lah? Nando'n ka na sa flashback a?

Sa flashback lang?! Do'n lang?! Badtrip ka, miss A, a!

A/N: Sorry na. Ikaw na kasi hanggang du--- oops. Spoiler! HAHAHAHAHAHAHAHA don't worry, joke 'yon.

Hindi ko na pinansin si author at patuloy naman ako sa pagtataka kung bakit biglang nawala si Deandean ng gano'n gano'n nalang e samantalang magkakasama lang kaming tatlo nina kupali kaninang umaga!

'Tsk. Badtrip. Kasalanan ko 'to e.'

Kasalukuyan kaming lakad takbo papunta kung saang room ba ang nasa utak nitong dalawang ito na sila kupali at Lea. Sumusunod lang kami ni Yazzi at iyong sila Tito Felix, Tito Alex, Tito Zen, Tito Jake at Tito Nash ay nakasunod sa amin sa malayo. Back-up daw.

Pero kahit na gano'n kaukupado ang utak ni kupali ay hindi pa rin mawala ang tingin ko sa kaniya. Alam kong sinisisi niya rin ang sarili niya sa pagkawala ni Deandean.

'Hays... sorry, love.'

Sabay sabay kaming sumakay ng elevator at sinadya kong mapatabi ngunit nang tingnan ko ito ay nakakunot na ang noo na para bang sobrang lalim na naman ng iniisip.

"Hindi ko na nakita 'yung mga alagad ni puppet," biglang usap ni kupali na ikinatingin naman nila sa kaniya at ako na kanina pa nakatingin sa kaniya ay kumunot nalang ang noo.

"What?" Tanong ko.

"A-anong puppet 'yan? Hehehe..." si Yazzi.

"G-gano'n ba? B-baka nawala na rin nung mawala tayo..." usap naman ni Lea.

"A-anong puppet ba ang sinasabi niyo?" Tanong ko at tiningnan lamang ako ni Lea bago tumingin kay kupali saka tumingin sa harap ng elevator.

'Anak ng...'

Hindi ko nalang pinansin ang hindi pagpansin nung dalawa sa akin sa tanong kong iyon at napapahiyang nagkatinginan nalang kami ni Yazzi. Nakarating kami sa 4th floor na sinasabi nilang sa ibaba daw ng apartment nila.

"Dito..." biglang usap na naman ni kupali ng makarating kami sa pintong hinahanap namin.

Nagdoorbell si kupali at nakatatlong pindot pa bago magbukas ito ng bahagya dahil sa nakalock na door chain nito at may lalaking sumilip na pamilyar akong nakita.

'Teka...'

"Buksan mo ang pinto," walang emosyong dinig kong sambit ni kupali.

Kita ko pa kung ga'nong nanlaki ang mga mata nito matapos kaming makita at muli niyang isinara ang pinto para tanggalin ang door chain nito at pagbukas nito ng malaki ay hindi nga ako nagkamali...

"Pier?!" Sigaw nila Lea at Yazzi. Nanatili kaming tahimik ni love.

'Hehehe... love.'

Sa susunod ay tatawagin ko na siyang gano'n oras na magreklamo pa siya sa kupali. Hehehehe...

"A-anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Pier.

"Diba ang sabi mo sakin... sa 6th floor kayo nakatira ng kuya mo?" Tanong ni kupali.

'Wait, what? May kuya siya?'

Nagkatinginan naman kaming tatlo nila Yazzi at Lea dahil mukhang pare-pareho ata kami ng katanungan sa isip.

When I Be The One (YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon