Chapter 49: Hinala

159 20 1
                                    

Chapter 49: Hinala

Dwizzi's POV

Lingid sa kaalaman ng iba ay nilagyan ko ng voice tracker ang loob ng bahay namin dahil sa sitwasyon ngayon, parang ang hirap ng gumalaw ng basta basta. Lalo na at hindi madaling patumbahin ang tinatawag nilang Sem ng org na siyang co-founder ng school namin na si Alice.

Nilagyan ko rin ng voice tracker ang hide-out namin at inabala ko ang dalawang oras ko sa pag aasikaso no'n dahil hindi pa ako masyadong marunong at nalilito pa sa pagpapalipat lipat noon.

Sa bahay kasi ay sa maraming sulok ko ito nilagay. May sa sala, sa kwarto, sa kusina—- ah basta! Sa buong bahay. At sa hide-out naman na may kalakihan rin ng kaunti ay nilagyan ko rin lahat basta marinig ko lahat ng buo.

Alam kong mahirap ang ginagawa kong 'to dahil mag-isa lang ako at hindi ko kakayanin pero kailangan kong gawin 'to dahil kailangan kong mahanap kung sinong traydor sa amin.

'Kung meron man...'

Masyado na kasing biglaan ng mga nangyayari at hindi mo inaasahang ganoon o ganiyan ang kalalabasan. Hindi rin natin alam na may sumasabotahe na pala at iyon ang ikinakabahala ko.

Una sa lahat... iyong puppet na sinasabi ni kupali na naglabas daw sa kanila sa org pero itinuring na nya ngayong kalaban dahil sa di naaayon na kilos, nalaman na nilang nasa bahay namin sila at hindi ko alam kung paano nangyari 'yun.

Ibig sabihin lang no'n ay may traydor sa mga kinakasama namin... at lalong mahirap na kung si Alice pa ang makaalam na susunod.

Naka-earphone ako magdamag at patago pa iyon dahil kunwari nakikinig ako sa teacher namin na nagtuturo ngayon sa unahan.

Lumingon ako sa kanan ko at blangko ang upuan ng mahal ko at blangko rin ang upuan ng katabi ko.

Masasabi kong medyo tumahimik ng mawala sila dahil... sa ilang buwan nilang pagpasok dito, palagi silang may issue kaya laging dawit ang section namin sa buong school. Naging sikat rin sila dahil sa ginagawa nilang parang walang kinatatakutan... lalo na si kupali.

"Ate Kiiimmmm!!!"

Agad na kumunot ang noo ko sa narinig kong sigaw ng isang bata sa loob ng tenga ko.

'Wait... Deandean???'

Nanlalaki ang mga mata ko habang patuloy sa pakikinig sa usapan nila hanggang sa ipaliwanag ni kupali kung paano nila ito nahanap at maging ang usapan nila ni Mom ay narinig ko din!

'Mom!!! 'Wag kang magpahalata na sinusukatan mo siya para sa susuutin nya sa kasal namin! Aisht!'

Napakamot ako sa ulo ko dahil gustong gusto kong sabihan si Mom sa ginagawa niyang payakap yakap e mahahalata talaga siya no'n! Sino ba namang hindi? E hindi niya naman kaano ano si Mom, unless kung ikasal na kami, 'di ba? That's weird.

"Nasa loob na ng bahay ang bata. Tuloy ang plano. Ano? Alis na ba 'ko?"

Mabilis na nagsalubong ang dalawang kilay ko sa narinig ko at agad na hinanap sa ipad ko kung saan ko narinig iyon banda.

"Hindi, jan ka lang, bantayan mo muna," usap ni... Dwayne ng lingunin ko ito dahil narinig ko siya ng tamang tama at pagkasunod na sabi ng narinig ko sa tenga ko.

Parang may kausap siya sa tenga niya at wala akong makitang cellphone.

Parang... earpiece?

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa mabilis na hinalang nabuo sa isip ko!

Panay ang lunok ko at ayaw tumigil sa mabilis na pagkabog ang dibdib ko dahil sa narinig ko.

'A-anong ibig sabihin nito?'

When I Be The One (YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon