Chapter 34: Her Mom

392 30 6
                                    

Chapter 34: Her Mom

Joy's POV

'Pa'no ko kaya kakausapin si gags? Shocks papasok na kami. Hays.'

"Sa ngayon, unahin muna natin kung sino bang nilalang ang nagsulat nung codename natin sa board do'n sa room," usap ni Lea habang naglalakad kami sa hallway papunta sa room.

"Mmm..."

'Wala naman akong pakielam do'n kay gags kung anong sabihin niya e... pero kasi parang nakakakonsensya naman na inabala ko na 'yung tao tapos parang nakakawalang modo naman kung bigla bigla kaming umalis. Hays...'

"Tingin mo kaya tama si P-puppet, hehe... I mean, kasi diba sabi niya dati na may member daw ng org na pakalat kalat rin sa school na 'to at nabanggit niya pang meron daw sa section D?" Aniya pa.

"Mmm..."

"Ano ba! Nakikinig ka ba sakin?!"

"H-ha? Ah oo naman," salubong na mga kilay pang sabi ko at saka nag-iwas ng tingin.

"Oh sige nga! Anong sinabi ko? Ano?!"

"Unahin nating alamin 'yung nagsulat ng codename sa board natin at may pakalat kalat na member ng org dito at namention ni puppet na mayro'n sa section D," sabi ko at natahimik naman siya.

'Hehe kala mo ha...'

"Eh bakit puro ka 'mmm' ng 'mmm' jan?!" Sigaw niya pa.

"Eh kasi nag-iisip ako, ano ba!" Hindi na napigilang inis na hiyaw ko na ikinagulat niya.

"Hampasin kita jan 'wag mo kong sigawan ha!" Irap niya pa at nagpamauna ng lumakad. Agad ko naman siyang hinabol.

"J-joke lang, uy... sorry na, hehe... Lea!" Habol habol na sabi ko pa.

"Peste."

'Hays!'

"Sorry na nga..."

"Kinginamo badtrip ka!"

"Sorry na e..."

"Ulul ka 'wag mo 'kong kausapen!"

"Lea, naman e, kasi iniisip ko si ano..." napapangusong sabi ko pa at natigil naman siya sa paglalakad kaya natigil rin ako at humarap siya sa akin.

"Si ano naman? Si Dwizzi? Iniisip mo 'yung kiss niyo---"

"A-ano ba! Ano ba! 'Wag ka ngang maingay! Hindi 'yon ang iniisip ko, okay?!" Agad na putol ko dito at nagtingin pa sa kaliwa't kanan ko saka sa likod at likod niya kung may tao bang nakarinig nung sinabi niya.

'Badtrip naman 'tong si Lea!'

"Oh e ano nga?! Sasabihin mo ba o hinde?!"

"S-sasabihin na nga... ikaw lang naman 'tong inuunahan ako---"

"E sabihin mo na nga! Ang dami mo pang sinasabi!" Galit talagang sigaw niya.

"'W-wag ka ngang sumigaw, p'wede ba?" Inis nang tanong ko.

"Ewan ko sayo!" Inis ring sabi niya at nilayasan ako.

Mabilis ko na naman siyang hinabol hanggang sa makarating kami sa room.

"Oh? Anyare do'n?" Tanong ni Sammy.

"May dalaw ata," nakangiwing sagot ko.

"Ha? Anong dalaw? Sino?" Biglang singit ni Jelly.

When I Be The One (YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon