Chapter 38: Curious

372 37 3
                                    

Chapter 38: Curious

Dwizzi's POV

"Ano? May balita ba?" Tanong ko.

(Wala e, lintek naman 'yang pinapahanap mo! Wala man lang makitag information kahit ano!) Sagot ni Evan.

"Tch, sige na. Balitaan niyo na lang ako," huling sabi ko bago ko ibaba ang linya.

Binuksan ko ang text message na kakalabas lang sa notif ko at pa-ilan na 'to kaya 'yung last nalang ang binuksan ko.

From: Kupalove❤

Where the hell are you?!

"Tss. Tapos na ata siyang makipaglandian sa Pier niya!" Inis pang singhal ko at ibinulsa nalang iyong cellphone ko saka nagpatuloy sa paglalakad.

'Ba't kasi wala akong dalang kotse! Badtrip!'

At dahil nga wala akong kotse ay naglakad na naman ako palabas ng hideout papunta sa sakayan ng taxi. Pero habang naglalakad ako ay hindi ko magawang mapaisip na naman...

'Hindi ba talaga ako naaalala no'n? Tch.'

Ang bobo bobo niya kahit kailan sa pangalan!

Kaklase niya ako nung elem! Hanggang grade 3! Tapos bigla nalang siyang nawala pagkatapos nung aksidente sa tour namin! Nagpicture pa nga kami no'n at si tita Eli 'yung photographer namin!

'Bwisit talaga!'

Tapos last year, grade 11, kaklase ko rin siya at talagang nagulat akonh makita ulit siya!

Sobrang nakaramdam pa ako ng hiya dahil... no'n ko lang ulit siya nakita at sobrang miss na miss ko talaga siya! Tsk. Tapos itong gwapong 'to? Hindi niya maalala?! Badtrip 'yun a!

Kaya naman nung mag grade 12 na at matyempuhan ko na naman siya doon sa building ng ka-gang ko at nakita ko siyang nagdeliver... hindi ko na napigilan ang sarili ko! HAHAHAHAHAHA! Ewan ko ba ba't kupali tawag ko do'n. Tss.

Flashback.

"Oo at magpagaling ka baka ako pa lumumpo sa'yo! Kupal ka!" Natatawang sigaw ko kay Fred. Ka gang ko.

"Hehehe sige boss, salamat sa dalaw. Bibilisan kong magpagaling! Ingat kayo, boss."

Nakangiti namang tinanguan ko nalang ito at saka isinara ang pinto ng apartment niya.

"Tapon mo na rin 'to. Paalis ka na rin lang naman."

Wala sa sariling nilingon ko ang nagsalitang iyon at nakitang may inabot na trashbag iyong matanda doon sa babaeng nagdedeliver.

At base sa uniform niya ay doon iyon sa fast food na Mcdie.

"Gano'n? Tapos walang thank you? Gosh." Sambit nung babae matapos walang magawang abutin 'yung basura pagkasara nung pinto.

'Sandale...'

Nangunot ang noo ko sa pamilyar na boses na iyon.

'Tss. Ito nga 'yung babaeng hindi ako maalala! Kupal...'

Dali dali akong nagpamauna sa pagbaba ng building at sumandal sa gilid saka siya pinanood na inis na itinapon iyon basura.

Nangisi ako dahil sa itsura niya.

Inis niya kasing tinanggal 'yung sumbrero niya pagkatapon na pagkatapon nung basura at inis ring sinipa pa 'yung trash can.

'HAHAHAHAHAHAHA! Baliw!'

When I Be The One (YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon