Chapter 27: Flashback 0.2

400 34 3
                                    

Chapter 27: Flashback 0.2

Third Person POV

8 years ago.

Sa loob ng dalawang taon, natuto si Joy na kilalanin ang lahat ng nakakasalamuha niya pero hindi niya pa rin magawang makipagkaibigan sa mga ito dahil sa sobrang lungkot ng puso niya.

At sa loob ng dalawang taong iyon, nasaulo na niya ang bawat sulok ng eskinitang iyon kung saan nalaman niya pati na pinapatakbo pala talagang ito ng isang organization ayon sa kwento sa kaniya ni Manang.

Dito dinadala ang mga batang may kinalaman sa organization at ang iba naman ay mga batang sa kalye lang nakikita. Pinagtatrabahi ng maaga ang mga bata dito para magkaroon ng normal na buhay ngunit hindi lamang sa piling ng kanilang mga tunay na magulang.

Nabalitaan rin niya na nakatakas na ang ibang mga nandito noon nung hindi pa siya pinapanganak. Dahil sa tulong daw ng mga naligaw na bata noon dito sa eskinita ay nakahingi sila ng tulong na siyang inaksyunan naman agad.

Ilang taon na rin ang lumipas kaya naman napunan ulit iti ng mga ulila at dinakip na mga bata at mas lalong naghigpit sa paglabas.

*bell*

At gaya ng nakagawian, sa tuwing maririnig ang kampanang iyon, ang lahat ay dapat nasa loob ng kani-kanilang bahay dahil parating na ang kanilang Boss kung saan kokolektahin nito ang mga perang nalikom sa nakaw ngayong araw.

Pero dahil naglalakad lakad siya ng maabutan ang kampana ay napalayo siya sa tinutuluyan niyang bahay kasama ang kaniyang Manang kaya naman napagpasyahan nalang niyang magtago sa gitna ng tatlong malalaking basurahan.

Suot nito palagi ang kaniyang sumbrero na pinangtataklob sa buhok niyang gupit panlalaki dahil hanggang ngayon ay hindi niya pa rin kayang ilantad ito sa mga kasamahan niya.

Sa kabilang banda naman kung saan makikitang may isang pamilya na nasa loob ng kotse ang nasa tapat ng eskinita ang kararating lang.

"Daddy, nasa'n tayo?" tanong ng batang babae.

"Dad, you're creeping me out. Why the hell are we here?" sunod na tanong naman ng batang lalaki ng makababa na silang lahat sa kotse.

At dahil ilang oras ang ibinyahe nila makarating lamang dito sa eskinita ay inabot na sila ng gabi.

Tumawa ang mag-asawa, "Namimiss lang namin ng mommy niyo kung saan kami unang nagkita. Diba, stealer?" nakangiting sabi ng kanilang ama.

"Oh, come on! Dapat kayo nalang, Dad! Naglalaro kami ng video games nila Kurt at Evan e!" reklamo ng batang lalaki.

"M-mommy, baka may multo dito..." halatang natatakot na saan ng batang babae na inilibot pa ang paningin sa kagubatang labas ng eskinita.

"No, Yazzi. Pinalinis namin 'to ng daddy niyo dati matapos naming tulungan ang mga nakatira dito. Kaya tara na, tignan na natin 'yung loob kasi ngayon lang ulit kami makakapunta dito sa loob ng busy days namin." nakangiting wikang anang stealer daw.

Wala naman ng nagawa ang magkapatid at sumunod nalang sa kanilang magulang. Agad namang nagtaka ang nasabing angry bird ang ngalan, nang makitang may gate na malaki sa pasukan ng eskinita.

"Pinalagyan mo ba ng gate 'to, angry bird?" takang tanong ni stealer.

"Ha? Hindi a. Ang alam ko ay matapos makaalis ng mga dito, pinalinis natin 'to at wala nakong ibang naging balita pa." sagot naman nito.

"Sabi ko na may multo dito e. Huhu..." saad ng naiiyak na si Yazzi.

"Ingay mo, Yazzi." badtrip na usap ng kapatid.

When I Be The One (YOU CAN READ THIS EVEN IF YOU HAVEN'T READ YET THE BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon