Chapter Forty Six

1.5K 85 33
                                    

A/N: Finally, nakapag'update din, kahit mejo waley ang chapter na ito, haha!

Thanks for waiting, kapit lang, sweeties!

Enjoy reading...

****

Ilang minuto pa siyang natulala bago niya nagawang kumilos. Mabagal siyang tumayo saka hunagilap ang mga damit na kung saan na lang inihagis ni Warren kagabi, hindi niya naiwasang mag-init ang mukha ng pumasok sa kanyang isang ang lahat ng ginawa nila ng lalaki, kung gaano ito kapusok sa pag-angkin sa kanya at buong puso naman niyang tinugon.

Pinilig niya ang kanyang ulo upang maiwaksi ang nasa isipan, saka nagtungo sa banyo upang maglinis ng katawan.

hanggang sa matapos siyang mag-ayos ay walang Warren na bumalik. Pilit niyang tinataboy ang mga negatibong bagay na pilit na pumapasok sa kanyang isipan. Pilit niyang pinapaniwala ang sarili na hindi magagawa ni Warren na basta lang siyang iwanan sa lugar na iyon pagkatapos ng nangyari sa kanila. at isa pa ay kasal sila. Asawa na niya ito.

Ngunit bigla siyang napahinto ng biglang may pumasok sa kanyang isipan.

Asawa? Asawa na nga ba talaga?

Ni hindi siya sigurado kung totoo ang nangyaring kasal sa pagitan nilang dalawa.

At gusto niyang matawa sa sarili ng mapadako ang kanyang tingin sa kanyang daliri, particularly on her ring finger. Ni wala siyang suot na singsing!

Ano ka ba Chloe? biglaan ang kasal ninyong dalawa, di ba? Sa tingin mo, may naka-ready agad na singsing si Warren? As if na pinaghandaan nito ang kasal.

Tama! One of this day ay magbibigay ng singsing si Warren sa akin. Konsula niya sa sarili.

At dahil doon ay nabuhayan siya ng loob. agad na siyang lumabas ng Cabin at masiglang nagtungo sa Villa, umaasa na makita doon ang lalaki.

Ngunit pagdating niya sa Villa ay nakabibinging katahimikan ang kanyang dinatnan. Walang Warren at maging ang mga kaibigan nito ay hindi niya nakita. Nakaligo na siya at nakapagpalit ng damit ngunit wala pa ding paramdam si Warren.

Nagpasya siyang lumabas ng villa at maglakad-lakad, nagbabakasakali na makita ito. Aalamin din niya kung kailan sila babalik ng maynila.

"Chloe!" Papasok na siya sa Villa ng may tumawag sa kanya. Si Bianca ang nalingunan niya, humahangos pa itong lumapit sa kanya.

"What happened? Saan ka galing? Kagabi pa ako nag-aalala sayo! Pati si George hinahanap ka. Ano bang ginawa ni Warren sa iyo kagabi?" sunod-sunod na tanong nito sa kanya.

Hindi niya alam kung sasabihin ba niya dito ang lahat. Bago pa siya makasagot ay nagsalita na ulit ito. "Ang walanghiyang Warren na iyon, tinanong ko kanina, hindi man lang ako sinagot, dinedma lang ako at mukhang nagmamadali!" gigil na gigil na sabi nito.

"N-nagmamadali?" hindi niya maiwasan na ma-utal, dahil sa pinipigilang emosyon. "saan daw pupunta?"

"Hindi ko alam kung saan pupunta yung hinayupak na iyon." Sagot nito. "Naku, talaga kung hindi ko lang amo iyang lalaki na iyan, naku talaga, ewan ko na lang..."Madami pang sinasabi si Bianca pero hindi pa napa-procces ng utak niya.

Ang tanging tumatakbo sa isip niya ay ang katotohanan na basta na lang umalis ang asawa.Gusto niyang matawasa sarili. Ni hindi niya alam kung valid ba iyong naging kasal nila kagabi o ginawa lang iyon ng lalaki upang makuha ang gusto nito. Hindi nga ba't nagpakasawa ito sa katawan niya buong magdamag?

At ngayon? Nagmadaling umalis? Sawa na ba ito agad? Ganoon kabilis?

"Hey, Chloe, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ng kaibigan ng makitang nakatulala siya.

The Broken PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon