Chapter Four

1.3K 65 5

A/N: Wow! #871 in Romance? Yieee!!! Ang saya!! Thankie sweeties! At dahil dyan, here's another update for you, guys!!

Bestie Yam! And Bebe Dayna! Thank you sa pagpromote! This chapter is for you, guys! Labyah! 💋

****

Nasa labas na sila ng school nang huminto sila at bumaling si Warren sa kanya. He still holding her hands.

"May sundo ka ba?"

"Wala. Pinauna ko na."

"Good. Now we are going to walk. Okay lang ba sa'yo?" Tanong nito.

"Malayo ba?"

"Not really. A 5 minutes walk from here."

"Five minutes? Okay. I think I can manage." Nakangiti niyang wika.

"Okay. Let's go?"
"Okay."

And they walked hand in hand.

After almost five minutes nasa harapan na sila ng isang malaking park. A people's park. Nagtataka siyang lumingon sa binata.

"We are here."

"A date at the park?"

"Ahm. Yes. Pasensiya ka na ha? Ito pa lang ang kaya ng budget ko." Napapakamot pa sa ulo si Warren habang nahihiyang wika nito sa dalaga.

"Ano ka ba? Okay lang. Mukha namang masaya dito. And isa pa, hindi ba sabi ko sa'yo, kahit saan mo ako dalhin, okay lang sa akin. Kaya don't worry, okay?" Pagbibigay assurance ni Chloe sa binata. Napangiti na lang si Warren sa tinuran ni Chloe.

"So, let's start this date?" Chloe says with excitement. This is their first official date.

Nagpalingon-lingon siya para tignan kung ano ang maaring gawin sa park. May nakita siyang lalaki na nagtitinda ng kung ano, at mukhang may idea na siya kung ano iyon.

"Doon tayo." Sabay hila kay Warren.

At tulad ng hinala niya, nagtitinda nga ito ng fishballs at kung anu-ano pang tinutusok.

"Wow! I want this, Warren." Baling niya sa binata.

"Are you sure? Pwede ka bang kumain nyan? Baka sumakit ang tiyan mo. Pwede tayo maghanap ng iba." Alanganing wika ng nobyo.

"Actually, hindi pa ako nakakatikim nyan. But I want to try it. Please, Warren?" And she used her puppy eyes again. And again he said yes to her.

"Sige, Manong, pagbilan po."
Binigyan sila ni Manong ng tig-isang plastic cup at sticks.
Naunang kumuha si Chloe ng fishballs.

"Anong gusto mong sawsawan? Sweet sauce or itong suka? Maanghang or not?" Tanong ni Warren kay Chloe habang abala ang dalaga sa pagtusok sa fishballs.

"Sweet sauce na lang." Pinaglagyan siya ni Warren ng sauce sa plastic cup niya na may laman ng fishballs. Then excited siyang tumusok ng isa at isinubo.

"Hhhmmm... It's good!" ngumunguyang wika ni Chloe kay Warren, with thumbs up pa.

"Here, try this." may nakatusok na kulay orange sa stick ni Warren at akmang isusubo sa kanya, napaiwas siya sa gulat.

"Wait. What's that?"

"Kwek-kwek."

"Kwek-kwek?"

"Yes. Itlog ng pugo na may harina." Paliwanag pa ng binata.

"Come on, try it. Promise, masarap yan." Sabay lapit ulit ng kwek-kwek sa bibig niya. Napanganga na lang siya saka isinubo yon.

"Hhhmmmm...! M-masarap!" Napapatango pa siya habang ngumunguya.

The Broken PrinceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!