A/N: Here's the update, Sweeties! Enjoy reading po!

Want to join our Facebook Group? Just search,

Ties and Laces Series.

****

"Mukhang nag-enjoy ka." Napasinghap ang dalaga nang marinig ang isang tinig na biglang bumasag sa katahimikan ng gabi.

Kumabog ang dibdib ni Chloe nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Agad na siyang napatingin sa direksyon kung saan nanggaling ang tinig.

There he is, sitting calmly on her couch. Nakahalukipkip ang mga braso. His face is blank and calm. At parang mas gusto niyang matakot sa pinapakita nitong kalmadong itsura.

Matakot? Bakit ka matatakot? Wala ka namang ginawang masama.

Tama! Bakit nga ba siya matatakot?

Pilit kinalma ni Chloe ang sarili.
"Anong ginagawa mo dito? Paano kang nakapasok?" Mabuti at nasabi niya ng maayos.

"Binigyan mo ako ng susi, remember? O baka naman nakalimutan mo na? Ilan na ba kaming lalaki ang binigyan mo ng susi ng bahay mo at hindi mo na matandaan?" He asked sarcastically.

"Pwede ba Warren, wala ako sa mood makinig sa mga insulto mo."

"Insulto? Why? Naiinisulto ka? Kasi totoo?"

Humugot ng malalim na hininga si Chloe para pakalmahin ang sarili. "Kung dito ka matutulog, bahala ka. Kung hindi naman, mas mabuti. Gusto ko nang magpahinga. Pagod ako." Naglakad na si Chloe patungo sa kwarto niya.

Pero dahil dadaanan niya ang sala kung saan nandoon si Warren ay hindi niya naiwasan ang binata nang hinarang siya nito.

"Pagod? Hindi ba pinag-day off kita? Bakit hindi ka umuwi agad at nagpahinga dito?"

"Day off ko db? It means, malaya akong gawin kung ano ang gusto ko sa day off ko."

"At napili mong makipag-date?" Tiim bagang na tanong ng binata.

"It's not a date. Kumain lang kami ni Bjorne."

"Bjorne? Wow! First name basis. That close ha? At paano kayo nagkita? Did you call him?" May diin sa bawat salita ng binata.

"No. Nakita nya lang ako palabas ng Madrigal Builders, pupuntahan ka daw niya sana."

"But instead, he asked you for a date kaysa puntahan ako? Napaka-special mo naman."

"Sinabi nang hindi kami nag-date. Kumain lang kami sa Sweethearts."

"Sweetheart? Dinala ka nya doon? And don't tell me, siya ang pumili ng kakainin nyo, at ang mga paborito niya ang inorder nya? At ano, habang sinasabi niya kung bakit niya paborito ang mga iyon, sinasabihan ka din niya ng mga sweet nothings?" Tila lalong nagdilim ang mukha ni Warren. Hindi maintindihan ni Chloe kung ano ang kinagagalit nito.

"Now, I realized something..." naningkit ang mga mata ni Warren na nakatingin sa kanya.

Hindi nag-iwas ng tingin si Chloe, tinatagan nya ang sarili at sinalubong ang tingin ng binata at hinahantay ang susunod na sasabihin nito. Kahit na may pakiramdam siya na hindi nya magugustuhan ang lalabas sa bibig nito.

"Madaming lumalapit sayo, right? Yung Engineer sa firm, yung nagbibigay sayo ng ulam. At kung sino sino pa. Pero wala kang pinatulan kahit isa sa mga iyon. Why? Kasi pare pareho lang silang walang kakayahan na ibigay ang gusto mo. Material things. Yung mag-aahon sa iyo sa hirap. And you saw Bjorne as your meal ticket." Bawat salita ng binata ay tila patalim na unti unting bumabaon sa puso ng dalaga. Ganito na kababa ang tingin ni Warren sa kanya.

The Broken PrinceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!