A/N: Pare para sayo to! Haha! Lagi mo aqoh Pm when update namen. Excited ka lagi mabasa. Thankie sa Suporta! Enjoy reading @myranympha!

****

Hindi alam ni Warren kung gaano na karami ang naiinom niya, basta ang alam niya hindi pa non na-aalis ang pagkabadtrip niya. Hindi niya alam kung bakit at saan siya nababadtrip. Or maybe he knew, ayaw lang niyang tanggapin sa sarili niya ang dahilan. Nandito siya ngayon sa club ng pinsang si Jax.

Muli niyang ininom ang alak nang biglang may tumapik sa balikat niya. Paglingon niya ay nakita niya si Lance.

"Dude! Balak mong magpakalasing?" agad na tanong nito ng makita ang ilang bote ng alak na  nasa harapan niya.

Hindi pinansin ni Warren ang tanong nito at tinungga lang ang alak na nasa bote.

"Nasaan yung dalawa?" sa halip ay tanong din niya, pagkatapos niyang uminom.

"Nasa VIP room. Tara doon." ang tinutukoy nitong VIP room ay exclusive lang para sa kanilang apat. Doon sila nakatambay kung ayaw nilang makarinig ng ingay mula sa bar.

Inisang tungga pa niya ang bote ng alak bago tumayo at sumunod kay Lance. Mas mainan na nga siguro kung doon sila, sumasakit ang ulo niya sa ingay na nagmumula sa malakas na tugtog ng banda na nagpeperform sa stage.

Pagpasok nila Warren sa VIP room ay agad nilang namataan sina Jax na nakaupo lang at may hawak na baso ng alak, habang si Bjorne ay nakaupo din pero may kaakbay na babae. One of his flings. Fuckboy talaga tong kaibigan niya! At parang gustong mag-init ng ulo nya nang maalala kung paano ito nakipagtawanan kay Chloe kanina.

"Fuckers!" Bati sa kanila ni Bjorne nang maupo sila ni Lance. Tipid lang na tango ang ginawa ni Jax bilang pagbati.

Binalingan ni Bjorne ang babaeng katabi nito at binulungan. Ilang segundo lang ay tumayo na ito at walang paalam na lumabas.

"So, what's up fuckers?" Bjorne turned to them and asked.

"Nothing's new." Tamad na tugon ni Jax sabay inom ng alak.

"Nothing's new? How about that sexy little hot chick we met last week? The girl with red hair?" Nakangising tudyo ni Bjorne.

"I don't want to talk about that." Mariing wika ni Jax. Mukhang wala din ito sa mood. Sino ba naman ba ang hindi sasakit ang ulo? Sa ugali na yan ni Jax? Total opposite sila ni  Blaze. Sinong hindi mawiwindang?

"Oh, okay. How about you, Lance?" Baling naman ni Bjorne kay Lance na nahinto sa akmang pag-inom ng alak. Kunot noong nilingon ni Lance si Bjorne.

"Don't start, dude." May babala sa tinig nito.

"Tsk! Sungit! Ganyan ba kapag may asawa na?" Bulong pa ni Bjorne na marinig din naman nila. Kaya  sinamaan siya ng tingin ni Lance. Napailing na lang si Bjorne sa reaksyon ni Lance.

"Yow, Warren!" Siya naman ang binalingan nito. Tinignan lang niya ito ng matalim. Akala naman nito, nakalimutan na niya yung pakikipagtawanan nito kay Chloe. Tsk!

"Dude, huwag mo akong tignan ng ganyan." Natatawang sabi pa ng loko.

"Tigilan mo ako, Mondejar." Saka tinungga ang bote ng alak.

"Okay. Sige, si Chloe na lang. Kamusta na siya bilang housemate?" Nakangising tanong nito. Gago talaga! Hindi man lang nagpa-awat talaga!

"Magkasama kayo sa bahay?" Kunot noong tanong ni Jax sa pinsan. Habang si Lance ay nakamata lang.

Teka nga! Bakit ang daming alam ng lalaking to?

"Paano mo nalaman yan?" Hindi napigilang itanong ni Warren ang nasa isip niya.

The Broken PrinceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!