A/N: Sorry sweeties, ngayon lang nakapag-update. So busy lang ang ganap ko sa buhay ngayon. Haha! Balak ko sanang habaan ang update, kaya lang baka naiinip na kayo sa tagal. Haha! Anyway, ito muna sweeties, silipin natin kung anong mundo na ang ginagalawan nila Warren at Chloe. Enjoy reading, sweeties!

****

Agad na bumaba ng jeep si Chloe nang makarating siya sa Pasig. Lalakadin na lang niya papunta sa kanyang inuupahan na apartment. Alas otso na ng gabi, late na siyang lumabas ng opisina at natagalan din siyang sumakay ng jeep dahil mahaba ang pila sa terminal, idagdag pa na natraffic siya. Tinatamad na siyang magluto, dadaan na lang siya sa karinderya para bumili ng panghapunan niya.

Agad na siyang nakarating sa karinderya ni Aling Magda. Ito din ang may-ari ng apartment na inuupahan niya. Mabuti naman at madami pang ulam na pwede niyang pagpilian.

"Magandang gabi po, Nanay Magda," nakangiting bati ni Chloe sa matanda.

"Magandang gabi din, Chloe. Ginagabi ka yata?"

"Natraffic po, Nay."

"Naku, sakit na yan ng maynila. Sige pumili ka na ng ulam mo, para makakain ka at makapagpahinga ka na. Dito ka na lang ba kakain?"

"Dito na lang, Nay."

****

Pagkatapos kumain ni Chloe ay agad na siyang nagtungo sa apartment na inuupahan niya. It was a four door duplex apartment. Si Bianca ang dati niyang kasama sa bahay. Pero nang nag-asawa ito ay napagpasyahan niya na lumipat sa mas maliit na apartment, tutal ay mag-isa lang naman siya.

Mabuti na lang ay nakahanap agad siya ng bahay na malilipatan. Maayos at malinis naman. At malapit halos sa lahat tulad ng palengke at simbahan. Maging ang mga tao na nakapaligid sa kanya ay mababait naman.

Pagpasok niya sa bahay ay agad niyang kinapa ang dingding sa tabi ng pintuan para buksan ang ilaw. Agad bumaha ang liwanag sa loob ng kabahayan. Ang sala at kusina ay may divider lang na naghahati. Isang kwarto at isang cr. Isang maliit na bahay lang na tama lang sa isang tulad niya na mag-isa lang.

Hinubad ni Chloe ang suot na heels at nilagay sa shoe rack na nasa likod ng pinto, saka at sinuot ang kanyang tsinelas. Nagtuloy siya sa kanyang kwarto.
She opened the door of her room then switched on the light. Simple lang ang ayos ng kanyang kwarto.

Puti ang pintura ng dingding. Nakadikit sa dingding ang kanyang kama at may isang side drawer lang. May isang electric fan. May vanity mirror din na katabi ng kanyang closet.

Ibang iba na talaga ang buhay nya ngayon. Malayong malayo sa buhay na kinagisnan niya noon. At malayong malayo na din sa buhay ngayon ni Warren.

How ironic life can be. Sinong mag-aakala na dadating sila sa ganitong sitwasyon? At natatakot siya sa mga maaari pang mangyari, dahil sa totoo lang kahit halos isang buwan na silang magkatrabaho ni Warren hindi niya pa din  alam kung handa ba siya sa kung ano man ang magaganap. At natatakot siya sa maaaring maging epekto nito sa kanya, dahil aaminin niya, until now, she's still in love with him. At kung ano man ang gawin ni Warren, dalawa lang ang kahihinatnan niya, it will make or break her.

Pinilig niya ang kanyang ulo to get rid of negative thoughts at saka niya nilapag ang bag niya sa side drawer at saka tinungo ang closet nya para kumuha ng damit pangbahay. Para makapaglinis at makapagpahinga na siya.

It's a tiring day for her. Bukod sa tambak na trabaho, may mga bisita pang hindi inaasahan. But she's glad na nakita niya ulit si Nanay Mildred. But wait? Wala na siyang karapatang tawagin itong Nanay, at nahihiya din siya dito dahil sa nagawa niya sa anak nito. Konsolasyon na lang na hindi ito nagtanim ng galit sa kanya. Naalala pa niya ang sinabi nito bago ito umalis kanina sa firm.

The Broken PrinceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!