A/N: Update! Update! Haha! Ito na sweeties, nakapag-update ulit aqoh. Sana magustuhan nyo. Please motivate me, leave some comments regarding sa story po, pretty please?

Anyway, enjoy reading this chapter, para sa inyo to, sweeties! Labyah all! Mwah!

****

Pilit kinakalma ni Chloe ang sarili. This is not the time para magdrama. She needs to work first. Sa bahay na lang siya iiyak, kapag mag-isa na lang siya. Yung walang makakakita.

Nang mawala sa paningin niya ang dalawa, huminga muna siya ng malalim bago umakyat sa second floor.

Agad siyang nagtungo sa pantry pagkatapos niyang ilapag sa table ang bag niya. Naghanda siya ng kape para sa dalawa tulad ng utos ni Warren. Hindi pa din talaga niya maiwasang hindi masaktan. Oo trabaho niya ito, willing naman siyang pagsilbihan ang binata, masaya siya sa pagsisilbi dito. Pero  kung para sa babaeng iyon? Ibang usapan na.

Inilagay niya sa isang tray ang  dalawang tasa ng kape at saka tinungo ang opisina ni Warren.
Bahagyang katok ang ginawa ni Chloe, saka dahan dahang  pinihit ang door knob habang maingat na hawak  ang tray upang hindi matapon.

"Sir, ito na po yung..." natigil si Chloe sa pagsasalita nang dumako ang tingin niya sa dalawa. At muli gusto na naman tumulo ng mga luha niya sa nakita.

The woman is leaning on the table, habang nasa harapan nito si Warren at nakayuko sa babae. Are they kissing? O hahalikan pa lang ni Warren yung babae at naistorbo niya kaya ganun na lang ang tingin ni Warren nang humarap ito sa kanya? Nakakunot ang noo nito at nakatiim-bagang habang nakatingin sa kanya.

"Pakilagay na lang sa table. Then, leave." Warren said habang naglalakad na ito patungo sa upuan nito.

Naupo na din ang babae sa upuan sa harapan ng office table ni Warren.

Atat lang na paalisin ka, Chloe! Para matuloy nila yung naudlot nilang gagawin. Sigaw ng isang bahagi ng isip niya.

Pero magkahiwalay na sila ngayon, may table na nakapagitan sa kanila. Sabi naman ng kabilang bahagi ng isip niya.

Hello! Of course, para hindi halata na gagawa sila ng milagro dito sa office!

Pilit iwinawaksi ni Chloe sinasabi ng isip niya. Nasasaktan lang siya lalo.

Maingat niyang inilapag ang mga tasa ng kape sa table. Nang maayos na nailapag ang mga kape ay agad siyang tumalikod para makalabas na. Any minute ay baka bumagsak na ang mga luha niya na kanina pa niya pinipigilan tumulo.

"Chloe..."

Pero bago pa siya makarating sa pinto ay tinawag na siya ni Warren.

Pilit niyang inayos ang sarili bago harapin si Warren, humugot siya ng malalim na buntong hininga saka humarap kay Warren.

"Yes, Sir?" Tanong niya habang may pekeng ngiti sa mga labi. And she thanked God at hindi siya pumiyok.

"You can take the day off."

"Sir?" Nangunot ang noo ni Chloe sa sinabi ni Warren.

"Sabi ko, mag day off ka." Ulit nito.

"Pero-"

"No buts, Ms. Madriaga." Putol ng binata sa sasabihin niya. "Hindi naman ako magtatagal dito ngayon. Wala pa din naman akong schedule. So, it's your day off today."

"O-okay Sir" hindi na niya napigilan na pumiyok dahil sa naiisip. Agad na siyang tumalikod para hindi makita ni Warren ang pagtulo ng luha niya.

See? Pinag-day off ka niya! Para nga naman masolo nila ang second floor! Sigaw muli ng isip niya.

The Broken PrinceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!