Chapter Thirty One

1.2K 74 11
                                    

A/N: Xenxia na sweethearts! Now lang nakapag'update. I know sobrang tagal. Pero kapit lang po kayo.

Enjoy reading, sweeties!

****

"Masaya ako at nakasama ka."

"Bakit? Namiss mo ako?" Birong totoo naman ni George. Na ikinangiti lang din niya. Akma na siyang sasagot dito ng gambalain sila ng isang boses.

"So, kaya pala..."

Sabay silang napalingon ni George sa taong nagsalita sa harapan nila. Pareho pa silang nagulat nang makita si Warren.

"S-sir...?" Si Chloe nang makabawi sa pagkabigla. Bakit kinakabahan siya sa nakikitang madilim na anyo nito? Ano na naman ba ang problema nito?

"Good morning, Sir!" Magalang naman na bati ni George dito, ngunit hindi naman ito pinansin ni Warren. Nagkibit-balikat na lang si George.

"Ano pong ginagawa niyo dito?" Si Chloe na ang nagtanong.

"Dito ako sasakay, since ako lang naman ang mag-isa sa kotse ko, baka makatulog ako at maaksidente pa ako. Kaya dito na lang ako." Masamang tingin muna ang ibinato ng binata sa kanila ni George bago ito umupo sa bakanteng upuan sa tapat nila.

Ilang minuto pa ay naramdaman na nila ang pag-usad ng bus tanda na paalis na ito. Hindi maiwasan ni Chloe na hindi mapasulyap sa gawi ni Warren. Mag-isa lang ito sa upuan, walang nagtangkang tumabi dito. Boss nila ito, so malamang maiilang sila na tabihan ito sa upuan.

"Mabuti na lang talaga nakasama ako." Basag ni Goerge sa pagitan nila.

"H-ha? Ah, oo. Oo nga mabuti at nakasama ka." Umiwas na ng tingin si Chloe sa gawi ni Warren at hinarap na lang si George.

"Grabe, ilang months pa lang nung na-assigned ako sa Davao, feeling ko, taon na ang lumipas. Na-miss kita eh." Napakamot pa sa batok si George. Na parang nahihiya. "Pasensiya na, Sunshine. Hindi ko talaga mapigilan."

"It's okay, Goerge." Napangiti na lang si Chloe. Of all people, siya mismo ang nakakaintindi kay George, iyong alam mo na hindi kayang suklian ng taong mahal mo ang nararamdaman mo para sa kanya. Mahirap pigilan ang nararamdaman.

"Ah, Sunshine, sana pagbigyan mo ulit ako." Naging seryoso na ang tinig nito.

"Pagbigyan saan?" Tanong ng dalaga, kahit na alam naman niya kung ano ang ibig nitong sabihin. Hindi lang din niya alam kung ano ang isasagot dito.

"Give me another chance, Chloe. Liligawan kita, I will make you love me. Handa akong maghintay, hanggang maging ready ka na." Ginagap nito ang isang kamay ng dalaga.

"G-george..." akmang sasagot na si Chloe nang maramdaman niya ang pagvibrate ng cellphone niya na nasa bag niya. Binawi niya ang kamay sa binata, at saka nagmamadaling kinuha ang cellphone niya. Baka importante.

Umayos naman ng upo si George, sumandal na ito sa sandalan ng upuan. Saka itinutok ang paningin sa unahan ng bus.

Kumunot-noo si Chloe nang makita kung kanino galing ang mensahe. Napatingin muna siya sa gawi ni Warren, nakita niya na nakatingin ito sa kanya. He tilted his head to her, signalling her to read the message.

She opened her inbox and read Warren's message.

Sit beside me.

Napataas ang kilay ni Chloe sa nabasa at napatingin siya sa gawi ni Warren. At ang magaling na lalaki, nakataas din ang isang kilay! Pero bakit kahit na nakataas ang kilay ng binata ay bagay pa din dito? Hindi nakabawas sa pagkagwapo nito, bagkus ay ang hot pa ng dating nito sa ganoong itsura. Unfair!

The Broken PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon