A/N: Update ulit. Mahaba dapat itong chapter na ito eh. Haha! Kaso pinutol qoh na, para umabot today ang update. Pinilit qoh talagang makapag'update today. Hehe! Kasi birthday qoh, yiiee!!! At dahil birthday qoh, aqoh ang magbibigay sa inyo ng gift. Haha! Medjo minadali nga lang ito, but I hope magustuhan nyo.

Enjoy reading, sweethearts!

****

Ilang araw ang lumipas, hindi na muling nagparamdam si Warren, nanatiling employer-employee ang turingan nila. Nag-uusap lang sila kapag work related ang usapan, o kung may ipapagawa ito sa kanya. Maliban doon ay, wala na.  Madalas din na wala sa Madrigal Builders si Warren, inaasikaso nito ang iba pang negosyo nito.

Tulad ngayon, tanghali na pero wala pa din ang binata. Nagtext lang ito na tapusin ang lahat ng dapat tapusin ngayon araw na ito at kung maari ding tapusin ang ibang trabaho para sa mga susunod na dalawang araw. At iwan sa table nito ang lahat ng kailangan ng approval at pirma nito. Kaya lahat sila ay abala sa mga kanya kanyang trabaho. Lalo na siya dahil sa kanya dumadaan ang lahat ng transaksiyon bago makarating
kay Warren.

Halos hindi na magawang magmerienda at kumain ng tanghalian dahil sa dami ng kailangan tapusin. At hindi na din niya namalayan ang paglipas ang oras.

Alas-kwatro na ng hapon nang biglang dumating si Warren sa firm. At nagpatawag agad ito ng meeting. Lahat ay nagtataka at napapaisip kung para saan ang biglaang meeting na pinatawag ng kanilang boss.

Lahat ng empleyado ay nasa conference room na. Ang iba ay nakaupo at ang iba naman ay nakatayo na sa bandang likudan.

Si Warren ay nakatayo sa harapan showing everyone his authoritive power. Sa tindig at porma nito ay hindi maiiwasan na pangilagan ito at maintimidate dito, lalo na sa mga taong hindi naman ito lubos na kilala.

Si Chloe ay nakaupo sa unahan, getting ready to take down the minutes of this meeting.

"Everyone, I know all of you wondering what this meeting is all about." Panimula ng binata, habang nagsasalita ay inililibot nito ang paningin sa lahat.

"Mula nang magsimula ako dito sa firm, nakita ko kung gaano kasipag at kaayos magtrabaho ang lahat. Lahat ng projects natatapos sa oras. All the clients praises are works. At dahil dyan ay dumadami pa ang mga clients natin, more works mean more income. Lahat ng ito ay dahil sa sipag nyo, kaya naman to give back, just to show how thankfull I am to work with you, so, we're going to have an outing. We need to relax and enjoy. What can you say?" Nakangiting pahayag ng binata, gone his dark and serious aura. Na ikinangiti din ng mga empleyado na naroon sa silid na iyon. They felt the sincerity of his words.

Kanya-kanyang reaksyon ang lahat. Napuno ng masaya at galak ang buong silid, ang iba ay napapalakpak pa. Lahat sila ay excited.

"And the outing is tomorrow, Kaya pinatapos ko na lahat ng dapat tapusin ngayon, para wala na kayong iisipin trabaho bukas." Patuloy pa ng binata.

"And one more thing, I gave incentives to each and everyone of you. I already put it on your accounts. For your pocketmoney, o kaya pangbili niyo ng mga dadalhin nyo bukas, para hindi niyo na magalaw yung mga savings niyo. Since, biglaan itong outing, hindi kayo handa, pwede na kayong mag-out para makapaghanda. So, let's call it a day. Go home and prepare for tomorrow's outing."

"Salamat, Sir!" Halos sabay sabay na sabi ng lahat. At nagkanya kanya na sila ng labas ng conference room.

Nakalabas na ang lahat maliban kay Chloe at Warren. Sinadyang magpaiwan ni Chloe para makausap ang binata.

"Thank you, Sir. I'm sure napasaya mo ang lahat." Nakangiting pasasalamat ng dalaga.

"How about you? Napasaya ba kita?"

The Broken PrinceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!