A/N: Sorry sweeties! Natagalan ang update. Medyo nabusy lang. Anyway, very short update lang po ito. Pero promise, babawi ako next chapter.

This chapter is dedicated to Ms. Ivanna! Nakakatuwa mga comments mo, ang cute! Thank you! Enjoy reading!

****

Monday, hindi sila nagkita ni Warren. Nagtext lang ito na may kailangan lang daw asikasuhin. The next day, mag-isa lang si Chloe sa canteen, habang hinihintay ang binata. Nakita niyang humahangos na papalapit si Bianca sa kanya.

"Bestfriend. May kailangan kang malaman" bungad nito sa kanya pagkaupo nito sa bakanteng upuan sa harapan niya. Agad nangunot ang noo ng dalaga at tila nakaramdam siya ng kaba.

"Ano yon? Tungkol saan?"

"Kay Warren."

Lalong binundol ng kaba ang kanyang dibdib. Grabe sa bilis ang tibok ng puso niya.

"A-anong n-nangyari?" Kinakabahan niyang tanong.

"Galing ako sa student's affair office, kasi inayos ko yung scholarship ko. Nakita ko don si Warren, kausap ng Dean."

"Tungkol daw saan?"

"About his scholarship, I'm not sure kung ano problema, pero ang narinig ko, maaring mawala ang scholarship niya. Ang pinagtataka ko, Masipag naman si Warren, nagta-top sa mga exams. Anong dahilan para alisan siya ng scholarship?"

Shit! Ito na ba yon? Nag-uumpisa na ba ang ama? Hindi siya papayag! Tumayo siya at akmang aalis nang pigilan siya ni Bianca.

"Wait, Best! Saan ka pupunta?"

"May kailangan lang akong kausapin. Saka ko na ipapaliwanag sayo. And please don't tell Warren na napag-usapan natin ito."
Nagtataka man si Bianca, ay napatango na lang siya at hinayaan ng umalis ang kaibigan.

****

Nagmamadali siyang lumabas ng school at pumara ng taxi para puntahan ang ama sa opisina nito. Pagdating doon, nagmamadali din siya pumasok sa building at hindi na napansin ang pagbati ng guard sa kanya. Tuloy tuloy siya sa elevator para puntahan ang ang ama sa opisina nito. Pagdating sa floor kung saan naroon ang opisina nito, ay naabutan niya ang secretary ng ama na abala sa kung anong mga papeles sa mesa nito.

"Good day, Mrs. Sanchez. I need to talk to my father, is he there?"

"Ms. Chloe!" Gulat na tugon ng ginang. "Yes, Ms. Nasa loob siya. Gusto mo bang sabihin ko sa kanya na nandito ka?"

"No need. Ako na lang ang papasok. Thank you!" Saka siya tumalikod upang puntahan na ang ama.

Pinihit na lang niya basta ang seradura at walang seremonyas na pumasok. Naabutan nya ang ama na naabala sa ginagawa.

"Dad!" Pukaw nya sa atensyon ng ama. Nag-angat ito ng tingin at kunot ang noo na tinignan siya.

"Hija. What brings you here?" Tanong ni Don Alfredo. Kahit may idea na siya kung bakit nandito amg anak.

"How could you?!" Hindi niya mapigilang tumaas ang tono.

"So, I guess, nagawa na nila ang pinapagawa ko." Kibit balikat na tugon lang nito.

"Bakit mo ba ito ginagawa?"

"It's for your own good, Chloe."

"My own good? Mahal ko si Warren. Bakit niya ako ipapahamak. Bakit mo ginagawa ito?" Nangigilig na ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata.

"You're too young for this! Paano mo nasasabi na pagmamahal yang nararamdaman mo?!" Tumaas na din ang tono ng ama.

"You don't have the right, para panghimasukan kung ano ang nararamdaman ko!" Oh God! Nagiging bastos na siya sa pagsagot sa ama, pero hindi niya mapigilan.

"I am still your father, young lady! Gagawin ko kung ano ang tingin ko ang tama!" Nanatili itong nakaupo pero mababakas sa mukha nila ang tinitimping galit.

"O, sige. Let's say na mahal mo nga ang lalaking yon. Handa ka bang makita na unti-unting nasisira ang buhay nya?" Hamon ng ama. "Naumpisa ko na, hindi ba? Gusto mo pa bang masaksihan kung ano pa ang maaari kong gawin? How about his mother?"

She can't believe na ganito kasama ang ama. Tumulo na lang ang luha niya.

"Fine! You won this time. But please give me enough time para layuan si Warren. Hindi madali itong pinapagawa mo." Saka nya tinalikuran ang ama.

****

-A/N: Hope you enjoyed this chapter. Thank you!
Pasensya kung may mga wrong typos and grammar. Hehe! Not perfect.

If you liked my story, kindly press Like, Vote and Share. And leave some comments. Thankie Sweeties! 😙😙😙😘

And keep on supporting us. iamQVEEN, MissFranzAlexa, jdred24 MissJacee
Thankie!

👉Jheng👈

The Broken PrinceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!