A/N: Hola bebes! Another update for you. Enjoy reading!

This chapter is for sissy HazeL Monica! Enjoy reading!

****

Jax decided to visit Warren on his newly acquired firm. Galing siya sa isang lunch meeting na malapit lang sa firm ng pinsan. The security guard opened the door for him.

Pagpasok niya agad na lumibot ang tingin ni Jax sa loob. Infairness, maganda at maaliwalas ang working place ng pinsan. And it looks organized.

Pagdaan niya sa mga cubicle may narinig siyang nag-uusap.

"Kahit laging masungit si Boss kay Chloe, bakit kinikilig ako sa kanila?" Sabi nong isang babae na may kasama pang hagikgik na tila kinikiliti.

Agad kumunot ang noo ni Jax, upon hearing the girl's name. Sounds familiar.

"Oo, tama. Parang may something? At bagay sila." Sigunda pa nong isang babae.

Hindi nakatiis si Jax na hindi huminto at hinarap ang mga ito.

"Excuse me?" He said to get their attention. Nahinto sa pagkukwentuhan ang mga ito at bumaling sa kanya.

"I'm Jax Madrigal. Warren's cousin. Sorry to interrupt your conversation, but I think it's not proper to talk about other people behind their back. Specially when that person happens to be your boss, right?" He eyed the girls and he saw how their face paled. He's waiting them to answer him.

"Y-yes, S-sir. Sorry." One of the girls said. "Hindi na po mauulit."

"Good. Anyway, Where's Warren?"

"Nasa office po niya, sa second floor."

"Okay. Thank you." He said and then turned his back to them.

****

"Chloe, can you please give me the files about the Alonzo's project?" Mahinahong wika ni Warren sa kanya, nasa bungad ng pintuan ng opisina si Warren, while Chloe's doing something on her desk.

Mukhang maganda ang mood nito. And yes, for almost 1 month ng pagiging boss nito, may mga times na mabait ito and then one moment balik ulit sa pagiging cold at masungit nito. May mga times na harsh pa din ito sa kanya, but she can tolerate his attitude.

"Yes, Sir. Kukunin ko lang."
Tumayo si Chloe para kuhanin ang files sa filing cabinet. Habang sinusundan siya ng tingin ni Warren.

The moment Jax reached the second floor, napahinto siya ng maabutan niya si Warren na nakatayo at nakatingin sa isang direksyon. Sinundan ng tingin ni Jax kung ano ang tinitignan ng pinsan. At nangunot ang noo nya nang makita niya ang isang nakatalikod na babae. Bumalik ang tingin niya kay Warren, at lalong kumunot ang noo niya nang may mabasa siyang emosyon sa mga mata nito.

"Warren."

Napalingon si Warren kay Jax. Maging si Chloe ay napalingon.

"Dude? What are you doing here?" Tanong ni Warren nang makalapit si Jax sa kanya.

"Bumisita lang. I just want to see your firm." Sabi ni Jax habang ang tingin ay lumipat kay Chloe na ngayon ay palapit na sa kanila ni Warren.

"Ito na yung files, Sir." Sabay abot ng files kay Warren, na agad namang kinuha nito. She smiled to Jax as her greetings to him. Akma na siyang tatalikod nang magsalita si Jax.

"Hi, Im Jax Madrigal. Warren's cousin. And you are?" Pakilala niya.

"She's Chloe. My secretary." Bago pa makasagot si Chloe, inunahan na siya ni Warren. At hindi na din nagawang makipagkamay ni Jax nang hilahin siya ni Warren papasok sa opisina nito.

The Broken PrinceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!