A/N: Hello, sweeties!!! Super special ang chapter na ito for me. Why? Because some part of this chapter ay sinulat qoh sa mismong setting nito. Yes, sweeties, Sa Pasig, kung saan nakatira si Chloe. Feel na feel qoh talaga yung mga eksena sa bawat lugar dito, kasi nandon aqoh mismo. At naiimagine qoh na nakikita qoh sila don. Haha! Weird noh?
Pinilit qoh talagang tapusin ang chapter na ito while nasa Pasig aqoh but unfortunately, nagkasakit aqoh, kaya hindi kinaya ng powers qoh na tapusin to, kaya the last part nito, dito na sa Nueva Ecija qoh tinapos.
Anyway, enjoy reading this chapter as I've enjoyed writing this. Thankie, sweeties for the support!!! Labyah all!!!

****

"K-kondisyon?" Kinakabahang tanong ni Chloe. "A-anong kondisyon?"

Hindi ito sumagot, nakita niyang kinuha ni Warren ang susi ng kotse na nakapatong sa table nito. Saka nito tinungo ang pinto. Nakamata lang siya sa binata.
Nang malapit na ito sa pintuan ay nilingon siya nito na nakataas ang kilay.

"What are you waiting for?" Tanong nito na nagpakunot ng noo ng dalaga.

"Come with me."

"S-saan?"

"Just come with me." Masungit na tugon lang nito saka tuluyan nang lumabas ng office nito.

Nagtataka man ay sumunod na lang si Chloe. Maging ang mga empleyado na dinaanan nila ay mababakas sa mukha ang pagtataka. Nang makita ng mga ito na padating ang boss, ay kanya kanya silang umakto na busy sa mga kanilang gawain. Nakita ni Chloe na tumuon ang tingin ng mga co-employee niya sa kanya paglagpas ni Warren. At bakas sa mga mukha ng mga ito, ang pagtatanong kung ano ang nangyari. Alam naman nila na galit ang boss nila, gawa ng aksidente kahapon sa site.

Napatingin si Chloe kay Bianca dahil sa pagsenyas nito sa kanya. Sadya talaga nitong kinuha ang atensyon niya.

"Anong nangyari?" She mouthed the words para hindi marinig ng boss, mahirap nang mapagbuntunan ng galit.

Nagkibit-balikat lang si Chloe dahil maging siya ay hindi alam kung ano ang nangyayari.

"Faster, Chloe!" Sigaw nito habang tuloy tuloy pa din ang lakad nito palabas ng building.

Napabilis ang mga hakbang ni Chloe lalo na ng makita niya na nakalabas na ito. Paglabas ni Chloe ng building, nakita niyang hawak na nito ang nakabukas ng pinto sa backseat ng kotse nito. Habang nakatayo sa tapat ng pinto ng driver's seat ang isang naka-uniform na driver. Warren tilted his head, giving her a signal to enter the car. Nang makasakay si Chloe agad sinarado ni Warren ang pinto. Nasundan na lang ni Chloe ng tingin si Warren habang umiikot ito papuntang backseat. Hanggang makapasok ito sa kotse nakatingin pa din ang dalaga.

Kaya bahagya siyang nagulat ng lumingon ito sa kanya. Kinabahan ang dalaga nang makita niya na bumaba sa katawan niya ang paningin nito. Lalo siyang kinabahan ng makitang papalapit ang binata. Tila siya naistatwa, hindi siya makakilos, o makapagsalita sa kaba. Ilang inches na lang ang pagitan ng mga mukha nila. Naamoy na niya ang hininga nito, minty fresh, na lalong nagpatuliro sa kanya. Wala sa sariling napapikit si Chloe. And just waiting for what will happen next. Ngunit ilang minuto pa na wala namang nangyayari. The next thing she knew, nakaseatbelt na siya. Napadilat ang dalaga at gusto na niyang maglaho agad agad nang makita si Warren na may nakakalokong ngiti, habang napapailing pa.

"S-saan m-mo ba ako dadalhin?" Pinilit niyang itago ang hiyang nararamdaman, pero duda siya don. Bukod sa nag-stammer siya, siguradong pulang pulang ang mukha niya.

Hindi siya sinagot ni Warren. He just smirked. Saka nagkabit din ng seatbelt at sininyasan ang driver na magdriver na. Inayos na lang ng dalaga ang sarili at nanahimik. Wala naman siyang magagawa kung ayaw nitong sabihin, malalaman din naman niya kapag nakarating na sila kung saan man yon.

The Broken PrinceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!