A/N: Dahil ang saya saya ko, dahil sa mga reactions nyo about sa mga stories namen, ayan, napa'update ako ng wala sa oras. Hihi! Thankie sweeties!!! 😙😙😙😙

Shoutout to "myLoves", the people behind the name "JACEE"
J-Jheng
A-Azera
C-Cyrene
E-Ella
E-Elnora

Kayo ang kasama ko, nung nagsimula akong bigyan katauhan sina Warren at Chloe!
This is it myloves! Itutuloy ko na.

This is for you, bebes!! 💋💋💋

****

Nang masigurado ni Warren na maayos na syang makakatayo, dahan dahan na syang binitawan nito.

"H-hi." medyo nauutal pa nyang bati.
"Sorry, nagmamadali kasi ako. Hindi kita napansin."
"It's okay. Hindi rin naman ako tumitingin sa daan."

Habang nag-uusap sila, hindi mapuknat ang ngiti nila. Nagtitigan din sila na para bang sila lang ang tao sa mundo.

"Ahm, excuse me, lovebirds? male-late na po tayo. Mamaya na ang titigan. okay?" pukaw ni Bianca sa kanila.

Sabay na lang silang nangiti sa sinabi ni Bianca.

"Bianca's right. Late na tayo. Magkita na lang tayo after class." Warren said while still looking straight to Chloe's eyes.

"Yeah. Let's meet after class."
"Sunduin kita sa room mo mamaya?"
"Sure.
"Bye."

Yes they are in a relationship. Paano nga ba nagsimula ang kanilang relasyon.

FLASHBACK...

Kasalukuyang nasa canteen si Warren para sa lunch break. Habang kumakain ay nagbabasa din siya. Nagrereview siya dahil may exam sila sa next subject niya. Nakapag-aral naman na siya sa bahay kagabi, nagreview na lang siya ulit, to make sure na wala siyang makalimutan. Tutok siya sa pagbabasa nang biglang may tinig na umistorbo sa kanya.

"Umh... excuse me, is this seat taken?" narinig niya wika ng babae, ni hindi siya nag-abalang nag-angat ng ulo.

"No." maikli lang nyang tugon.

"Pwedeng maki-share?" muling wika ng babae.

"Go ahead." tugon niya na nanatiling nakatutok ang mga mata sa librong binabasa.
Naramdaman naman nya na may umupo sa upuan sa tapat nya.

"Why don't you eat first?"
Doon na siya nag-angat ng tingin at nagulat siya na makita nya kung sino ang babaeng naki-share sa table nya. Matamis na ngiti ang sumalubong sa kanya.

"Hi! I'm Chloe Madriaga"

Of course, she's Chloe Madriaga! Sino ba ang hindi nakakakilala sa kanya. A young beautiful lady, kina-iingitan ng mga kababaihan at pinapangarap ng mga kalalakihan. The reigning Ms. Campus. A beauty and brain, the campus sweetheart, Chloe Madriaga. Hindi niya pinahalata ang gulat niya. Nagtataka siya kung bakit nasa harapan nya ang dalaga. Nagpalinga-linga siya at lalong nangunot ang noo niya ng mapansin niya na madaming bakanteng upuan sa canteen.

"What are you doing here?" hindi niya mapigilang itanong.

"Umh... eating?" alanganin sagot ng dalaga.

The Broken PrinceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!