A/N: Bebe Nimelyn dahil nirequest mo, cge dedic qoh ulit sa iyo tong chapter. My number 1 fan. Haha! Thankie sa support ha? Labyah, bebe!

Enjoy reading!

****

Hindi na namalayan ni Chloe kung saan na siya dinala ni Bjorne. Napakunot-noo na lang siya ng huminto ang kotse nito sa parking lot, sa harapan ng isang... bakeshop?

Bumaba si Bjorne ng sasakyan para umikot at pagbuksan si Chloe ng pinto. Wala sa loob na bumaba si Chloe, nanatiling nakatutok ang mata niya sa bakeshop na nasa harapan nila.

"Bakeshop?" Nakakunot-noong tanong ni Chloe sa binata.

"I'm sure sasaya ka dito kapag natikman mo ang mga cakes dito." Nakangiting sabi ni Bjorne. "Sweet hearts have the best cupcakes and cakes in the world!" Pagmamalaki pa nito.

"S-sweetheart?" Napalingon ang dalaga sa bakeshop at napatitig siya sa signage na nasa itaas nito.

At parang nagbalik ulit sa kanya lahat ng nangyari. Yung babae na kasama ni Warren ngayon  sa office nito, na malamang sa mga oras na ito ay nagpapakasaya na sa piling ng isa't-isa. Ang bagong tinatawag nitong sweetheart.

Ang endearment na dating nagpapakilig sa kanya tuwing tatawagin siya ni Warren. Pero ngayon, parang gusto niyang isumpa ang salitang ito. And to all places, dito pa talaga siya dinala ni Bjorne. Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng luha mula sa mga mata niya. 

Sobra-sobrang pagpapamukha naman yata itong ginagawa ng tadhana sa kanya.

"Hey, hey! Bakit ka umiiyak?" Nagulat si Bjorne nang marinig ang mahinang hikbi na kumawala sa dalaga.

"Stop crying, baka isipin ng mga nakakakita pinaiiyak kita." Hindi alam ni Bjorne kung hahawakan o hindi ang dalaga, lalo na nang nagsunod sunod ang pagpatak ng mga luha nito.

"Chloe, please, tumahan ka na." Pakiusap pa ng binata.

"S-sorry ha?" Medyo nanginig pa ang boses ni Chloe. "May naalala lang ako."

"Gusto mo bang lumipat na lang tayo ng lugar?" Alanganing tanong ng binata.

"Hindi na. Okay lang dito." Pinunasan na ni Chloe ang mga luha at pilit kinalma ang sarili. Nakakahiya kay Bjorne.

"Are you sure?"

"Yeah."

"Okay, Shall we?" He offered his arm para kumapit si Chloe sa kanya.

"Sure." Kahit pilit ang ngiti ay sinubukang pasiglahin ni Chloe ang tinig bago kumapit sa braso ng  binata. Siguro nga, kailangan niya ng makakasama, makakaramay sa pinagdadaanan niya. At tingin niya ay si Bjorne ang tamang tao para makasama sa mga oras na ito.

Pagpasok  nila sa loob ng bakeshop ay sumalubong agad sa kanila ang mabango at matamis na amoy na nagmumula sa mga cakes and cupcakes na nakadisplay sa isang glass cabinet.

Iginiya siya ni Bjorne sa isang bakanteng lamesa, sa bandang gilid ang napili nitong pwesto kung saan kita mula doon ang kalsada.

Ipinaghila siya ng upuan ng binata at inalalayang makaupo. Gentleman ha?

"Wait here, ako na ang oorder."

"Okay." Nasundan na lang ng tingin ni Chloe si Bjorne habang papunta ito sa counter.

Inilibot ni Chloe ang paningin sa paligid. Purple color dominates the whole place. Nakakarelax ang paligid, samahan pa ng mabangong aroma mula sa mga pastries.

Hindi naman naghantay ng matagal ang dalaga kay Bjorne, ilang minuto lang ay pabalik na ito bitbit ang isang tray na puno ng pagkain.

"Ako na ang nagdecide kung ano ang kakainin natin. But don't worry, I can assure you na masarap ito." Sabi ni Bjorne habang nilalapag ang tray sa table nila.

The Broken PrinceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!