A/N: Happy Valentine's day, Sweeties!!! At dahil araw ng mga puso ngayon. Hayaan muna natin si bebe Warren sa mga simpleng da moves niya. Haha! Enjoy reading, sweeties!

****

The next day, nagpasya munang dumaan ni Warren sa Advertising Company bago tumuloy sa firm.

"Good morning Sir," the guard greeted him na bahagya lang niyang tinanguan.

Bawat madaanan niyang empleyado ay bumabati sa kanya. Some of them just staring at him with a visible admiration on their eyes. Na hindi naman nakapagtataka, lalo na at hindi siya nakacorporate suit. He just wearing a blue collar t-shirt, a jeans and a sneakers. Madalang lang siyang makita ng mga empleyado niya sa ganoon kasuotan. Balak kasi niyang magpunta ng site.

Nagtuloy siya sa private elevator na nakakonekta sa mismong floor kung saan nanduon ang kanyang opisina. Agad siyang sinalubong ng kanyang sekretarya pagdating niya sa 20th floor. Mrs. Cruz is his father's former secretary. Nang hinawakan niya ang negosyo kinuha na din niya ang serbisyo nito. She's very efficient, at maaasahan. At napagkakatiwalaan niya ito.

"Good morning, Sir."

"Good morning. Pakisunod sa office lahat ng kailangan kong gawin. And please, clear all my appointment after lunch. Pupunta ako ng firm." He said. "And coffee, please? Thank you."

"Okay, Sir."

He just smiled and turned his back.

****

Katok sa pinto ang nagpaangat sa ulo ni Warren mula sa papeles na binabasa niya.

"Come in."

His secretary entered with his coffee and some folders. Maingat na nilapag ni Mrs Cruz ang kape sa table ni Warren at saka nilapag din ang mga folders na dala.

"Nandyan lahat ng report for the past weeks. Kasama din dyan yung mga dapat mong pirmahan."

"Okay. What about my schedule today?"

"8:00 am presentation lang from the advertising team para sa project for a commercial ads. And no schedule after lunch."

"How about the publishing? The warehouse?

"No schedule of meeting. May mga dapat ka lang pirmahan, for the budget for the printing materials."

"Okay. Anyway, makipagcoordinate ka sa secretary ko sa firm para sa mga construction materials na kailangan don. When I'm done here, bibisitahin ko ang publishing house at sa warehouse to check kung may mga dapat pang gawin don."

Ang buong building ng Madrigal Group of Companies ay may 20 floors, nasa building din na iyon ang publishing at printing house. Ang ibang floors ay may mga tenant na may iba't ibang negosyo. Pag-aari ng mga Madrigal ang buong building. Sa likod ng building naman matatagpuan ang warehouse ng mga construction materials. Isa itong bakanteng lupa noon na binili din niya para tayuan ng warehouse.

****

Ilang beses napapatingin si Chloe sa wall clock at saka napapabuntong hininga na lang. It's 10:00 am already. At parang napakatagal ng oras. Wala si Warren, tumawag ang secretary nito para itanong kung anong mga materyales ang kailangan para sa firm. And to informed her about Warren's schedule. Hindi niya alam kung pupunta ito ngayon dito. But she silently wished na sana maisipan nitong dumaan. Pinilig niya ang ulo saka tinutok na lang ang atensyon sa mga dapat niyang gawin.

Abala si Chloe sa kanya table nang may narinig siyang tikhim mula sa harapan niya. Nag-angat siya ng ulo at agad na napangiti ng makita niya kung sino ang taong yon.

"George?"

"Hello, Sunshine!" He greets her with obvious admiration on his eyes.

He used to call her, Sunshine. Because everytime she smiles, parang nagliliwanag daw ang paligid. She brought sunshine daw. According to him. Little did he knows na sa likod ng mga masasayang ngiti niya, lies a broken little girl. Magaling lang siyang magtago ng totoong nararamdaman.

The Broken PrinceBasahin ang storyang ito ng LIBRE!